^

PSN Opinyon

Halalan: ganito noon, paano ngayon? (2)

SAPOL - Jarius Bondoc -
NAKASAAD sa batas kung paano maghalalan nu’ng Panahong Kastila. Inaabiso ng alcalde mayor sa botanteng principalia at sa cura ang takdang araw at oras. Kasama ang sekretaryo, darating siya sa municipio kung saan naghihintay ang principalia. Magdadasal; babasahin lahat ng batas. Tapos, magdadaos ng sorteo, ang pagpili sa 12 na siya mismong boboto, bukod sa nakaupong gobernadorcillo na tagalutas ng tabla.

Ang pangalan ng taga-principalia ay isusulat sa tig-isang papeletas. Pagkatiklop, nilalagay ito sa dalawang garapon, isa para sa nakaupong opisyales at isa sa mga datihan. Bubunot ang isang bata, na ayon sa batas ay di lalampas sa edad-7, ng tig-anim na papel sa mga garapon. Ang 13 napiling botante ay papasok sa silid, kasama ang alcalde mayor, sekretaryo at cura. Paaalalahanan sila ng pagka-sagrado ng halalan. Igigiit ang mga katangiang hinahanap ng Korona ng España mula sa mga magsisilbing opisyales ng bayan. Kabaliktaran lahat ito sa pakay ng mga kandidato–na nais lang palawakin ang poder.

Kasunod nito ang torneo, ang paghirang sa gobernadorcillo sa balota. Tig-dalawang pangalan ang dapat isulat, ang una at ikalawang nais. Pag nabilang na, saka pa lang magbobotohan para sa apat pang posisyon ng mga katulong ng gobernadorcillo, sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay.

Ayon sa batas, ang gobernador general sa Intramuros ang may huling pasya ng mga nanalo. Kaya kung minsan, ayon sa saliksik ni Prof. Glenn May ng Oregon University sa mga halalang-bayan sa Batangas nu’ng 1890-1894, inaabot nang ilang buwan bago malaman ang pasya.

Nagkakadayaan kung minsan sa pagpapadala sa Maynila ng resulta ng halalan. Depende kasi ito kung patas ang alcalde mayor, ang sekretaryo, at ang cura. O kaya sa lakas ng kapit sa kanila ng kandidato. Kung minsan, ayaw nila ang nanalo, lalo na kung ang partido o paksiyon nito ay kontra-prayle o kontra-Kastila.

Sa pag-aaral ni Prof. May sa mga records ng simbahan at National Archives, 14 sa 42 halalan ay binago ng gobernor general ang resulta. Ayos!

AYON

AYOS

BATANGAS

BUBUNOT

GLENN MAY

KUNG

NATIONAL ARCHIVES

OREGON UNIVERSITY

PANAHONG KASTILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with