Dalawamput tatlo na ang nadadakip sa mga nakatakas at siyam na ang napatay. Tinatayang nasa 34 pa ang hindi nadadakip. Kabilang sa mga nakalalaya pa ay ang lider ng mga teroristang Sayyaf na si Abu Blak. Ang teroristang ito ang itinuturong pumugot sa ulo nang may 10 kataong bihag. Isa umano ito sa mga pumugot sa ulo ng Amerikanong bihag na si Guillermo Sobero. Kinidnap sina Sobero, kasama si Martin at Gracia Burnham sa Dos Palmas resort sa Palawan noong 2001. Napatay si Martin makaraang i-rescue ng military noong 2002. Nakaligtas naman si Gracia.
Kahiya-hiya ang pagkakatakas ng mga bilanggo at karagdagang dungis sa administrasyon ni President Arroyo. Isipin na lamang na lantaran ang pagsuporta ni Mrs. Arroyo sa pagdurog sa terorismo at malaki ang tiwala sa kanya ni US President George W. Bush. At ganito nga ang nangyari na natakasan pa ng mga terorista. Umanoy hindi nagustuhan ng US ang tila panlalambot ng Pilipinas sa pagdurog sa terorismo at ipinaalam na ito kay Mrs. Arroyo ng embassy officials.
Sayang ang pagod na iniukol ng mga awtoridad, particular ang AFP sa pagkakadakip sa mga lider ng Abu Sayyaf at pagkaraay makatatakas lamang. Ngayon pay nagtuturuan sila kung sino ang dapat managot. Walang ibang dapat managot dito kundi mga opisyales at jailguard ng Basilan. Masyado silang naging maluwag, parelaks-relaks na akala mo bay karaniwang bilanggo lamang ang kanilang tinatanuran. Nararapat magkaroon nang malalim na imbestigasyon kung bakit nakatakas ang mga bilanggo. Parusahan ang mga opisyal at jailguard na mapapatunayang nagkasala. Bulukin sila sa bilangguan para hindi na pamarisan. Malaking kapahamakan ang idudulot kapag natakasan ng mga teroristang "uhaw sa dugo".