Pinalilitaw sa balita ng "24-Oras", nakipag-away at nambastos daw ako sa mga tanod. Panoorin nyo na lamang sa "BITAG" na kasabay ng "IMBESTIGADOR" ng GMA-7, ang tunay na pangyayari sa likod ng kontrobersiya.
Ganito kami sa "BITAG" kung magtrabaho walang sinusunod na oras. Yung mga tanod ng Brgy. Commonwealth na mga inirereklamo ng pambubugbog, dahil mga panggabi kayo, gabi rin namin kayo iimbestigahan sa balwarte ninyo mismo!
Sa balita ng "24-Oras" ng GMA, para bang napadpad lang ako sa nasabing barangay para makipag-away? Sa bagay, hindi kasi kaya ng kanilang "IMBESTIGADOR" ang ginagawa ng "BITAG." Kulang sa amin ang "24-Oras", kung trabaho ang pag-uusapan.
Kayat sige, "saltikin" nyo pa ang "BITAG." Hindi tulad ng balitang lumabas sa "TV Patrol" ng ABS-CBN, patas.
Yung inyong napanood na nagpuputak na kagawad ng barangay, siya si VIR ALDAY, makikita nyo bukas ang butil-butil na pawis sa kanyang noo at halos maihi sa kanyang karsonsilyo habang kaharap ako habang kaharap ko nung gabing yun.
Sunud-sunod ang aking tanong sa kanya. Dahil hindi pa man siya nagsisimulang mag-iimbestiga, dakdak nang dakdak na, kaya nabisto ng "BITAG." Nagmukhang gago tuloy itong putakerong si Alday.
Kung kayat ipalalabas din namin ang kontrobersiyal na video. Ang dahilan sa likod ng kontrobersiya, si Barangay Chairman Jose Gaviola, nagwala dahil naka-inom!
Makinig sa DZME 1530 Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 A.M. At panoorin ang programang "BITAG" tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. sa IBC-13.