^

PSN Opinyon

Kongreso pabigat na sa taumbayan

SAPOL - Jarius Bondoc -
KUNG ang Kamara de Representantes ay hindi na sumasalamin sa ordinaryong mamamayan (Sapol, 30 Mar. 2004), gan’un din ang Senado. Anim sa mga senador ngayon ay celebrity sa pelikula o media o sports; tatlo ay asawa ng celebrity. Tatlo ay nasa Kongreso o sa Gabinete nu’ng panahon pa ni Marcos. Apat ay nag-Gabinete, tatlo ay nag-heneral, apat ay nag-kongresista pagkatapos ni Marcos.

Kung masasabing sila-sila na lang ang nauupo sa Kamara – hindi makapasok ang bata o middle class o baguhan – gan’un din sa Senado. Pambansa kasi ang paghalal sa senador, hindi tulad sa representante na pang-distrito. Kailangan ay dati nang sikat sa lipunan, at higit sa lahat ay mapera. Daan-milyong piso kasi ang gastusin para magkampanya sa 40 milyong botante.

At talagang mayayaman lang ang nagse-senador, ayon sa saliksik ng Philippine Center for Investigative Journalism. Nu’ng 1998-2001, pito sa mga senador ay may malalaking lupain; nu’ng 2001-04, apat pa ang nadagdag. Pito rin sa mga senador ang may malalaking negosyong agrikultura nu’ng 1998-2001, at walo ngayong 2001-04. Labintatlo noon ang nasa malakihang real estate development; ngayon 18 na.

Napakalaki na ng budget ngayon ng Kongreso. Bukod sa suweldo, may P300,000 kada buwan pa bawat chairman ng komite. Bawat senador ay may taunang pork barrel na P200 milyon; bawat representante, P70 milyon. At may bonus pa na P50,000 hanggang P200,000 para sumipot lang sa mga botohan sa malalaking panukalang batas o isyu.

Pakonti nang pakonti ang naipapasang batas. Sa Kamara, puro lang panlokal, tulad ng pagpapalit ng pangalan ng isang barangay. Sa Senado, puro imbestigasyon na hindi naman natatapos bilang batas.

Nu’ng 1946-49 sa kabuoang P15 milyong budget ng Kongreso, 428 batas ang pinasa; kumbaga, P35,000 kada batas. Nu’ng 1998-2001 sa budget na P8.9 bilyon, 415 ang batas; P21.4 milyon bawat isa. Ngayong 2001-04, 76 na batas lang sa P11.2 bilyong budget; P148 milyon ang isa!

vuukle comment

APAT

BATAS

GABINETE

INVESTIGATIVE JOURNALISM

KAMARA

KONGRESO

PHILIPPINE CENTER

SA KAMARA

SA SENADO

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with