Bigla na lamang lumabas ang dating asawa ni Kabayan at inakusahan ito diumano na masamang asawa at iresponsableng ama. Pinabayaan daw nito ang kanyang anak. Matindi ang akusasyon ng dating asawa ni Kabayan.
Punumpuno ng emosyon ang pagharap ni Kabayan. Itinanggi ang akusasyon ng dating asawa. Kasama ang kanyang anak na si Manueli, luhaang humarap sa media si Kabayan upang isalaysay ang aniyay katotohanan sa kontrobersyal ng kanyang kahapon.
Ewan kung totoo ang bulung-bulungan na ang nagtulak sa dating asawa ni Kabayan upang siya ay siraan ay ang mga kalaban niya sa pulitika. Dalawa lamang naman ang kalaban niyang kumakandidato sa pagka-bise presidente, si Hermie Aquino at si Loren Legarda.
Alumpihit si Loren sapagkat siya ang pinagsususpetsahang nasa likod ng paninira. Itinanggi agad ni Loren na wala siyang kinalaman dito. Ganito ang sinasabi kong maruming pulitika sa ating bansa. Palagay ko ay lalo pa itong dudumi habang papalapit ang eleksyon.