Tumestigo laban sa kanya si Pedro, tanging saksi sa nangyari. Ayon kay Pedro, alas-diyes ng gabi siya dumating sa bahay mula sa isang piknik. At bandang 12:30 ng gabi nang sumilip siya sa bintana, nakita niya si Reggie na hinahabol nina Caloy, Ben, Kardo at Max kaya, sinundan niya ang mga ito at sa 10 metrong layo, nakita niya na habang hawak ni Kardo si Reggie, sinasaksak naman ng tatlo ito hanggang sa mamatay. Subalit sa cross-examination ni Pedro, napag-alaman na lumahok siya sa seminar ng Red Cross mula alas-siyete hanggang alas-nuwebe ng gabi. Inamin naman niya ito pero iginiit pa rin na umuwi siya sa bahay ng alas-diyes ng gabi.
Samantala, itinanggi ni Caloy na wala siya sa lugar ng krimen kung saan kinumpirma ito ng ina ni Ben. Tumestigo rin si Linda, kasamahan ni Pedro sa seminar ng Red Cross kung saan iginiit naman niyang natulog si Pedro nang gabing yun sa seminar.
Subalit sa huli, pinaboran ng Korte ang mga naging deklarasyon ni Pedro kaysa sa alibi ni Caloy at testimonya ni Linda. Kaya si Caloy ay nahatulan ng murder at nasentensyahan ng 40 na taon na reclusion perpetua. Kinuwestyun ni Caloy ang desisyon. Iginiit niyang nagkamali ang Korte sa pagbase lamang ng desisyon sa testimonya ni Pedro na pabagu-bago. Tama ba si Caloy?
MALI. Ang pabagu-bagong testimonya ni Caloy ay isang inosenteng pagkalimot lamang na hindi naman makakaapekto sa kanyang kredibilidad.
Ang positibong testimonya nang nag-iisang saksi ay sapat nang kombiksyon kapag napatunayang kapani-paniwala ito. Ang katotohanan ay mapagtitibay sa kalidad at hindi sa dami ng ebidensya. At dahil nanumpa si Pedro sa Korte sa pagsasabi ng katotohanan nang walang masamang motibo, ang kanyang positibong testimonya ay pinaniwalaan (People vs. Zacarias 375 SCRA 278).