^

PSN Opinyon

Misis na kalabang pulitiko tinangay ni Congressman

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang tinangay ng isang congressman ang misis ng kalabang pulitiko?

Ayon sa aking bubuwit, 42 days na lang at eleksiyon na.

Happy birthday kay Leyte Rep. Ted Failon, Sandiganbayan Justice Diosdado Peralta, Bro. Dr. Domingo de Leon ng Tuguegarao City; Rina Veloso, Rovie Mar Gamatero at Cdr. Rene Echano ng Philippine Navy.

Congratulations sa mga top graduates ng San Beda College, kina Paul Denille Pascual-Magna Cum Laude; Marx Macalma-Cum Laude; Emmanuel Villaluz-Cum Laude at Wang Si Jiu-Cum Laude.
* * *
Alam n’yo bang sobra-sobrang kamalasan ang inabot ng isang politician sapagkat matapos siyang matalo noong nakalipas na eleksiyon ay tinangay pa ng nakalaban niya ang kanyang misis?

Ayon sa aking bubuwit, katatapos lamang ng eleksiyon nang bigla siyang iniwanan ng kanyang misis. Ang malungkot, sumama ang kanyang misis sa kalaban niya sa pulitika.

Mabuti man lang sana kung sa ibang lalaki sumama si Misis at hindi sa kanyang kalaban sa pulitika.

Ayon sa aking bubuwit, ang lubos pang ikinalungkot ng natalong pulitiko, iniwan pa ni Misis ang kanilang limang anak. Maliliit pa yung kanyang mga anak.

May mga babae palang ganyan Kuya Eddie?

Ayon sa aking bubuwit, nang malaman naman ng misis ni Congressman ang nangyari, ito naman ang naglayas. Pumunta ng Amerika at isinama naman ang kanilang nag-iisang anak.

Napakasakit Kuya Eddie!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, si Congressman at ang misis ng kalabang pulitiko ay kasama niya ngayon sa Metro Manila.

Ano kaya ang meron sa misis na ito, super ganda?

Kaya lang, hindi kaya siya nakonsensiya man lang.

Hindi bale nang iwanan si Mister pero pati ba naman limang anak ay iwanan?

Ayon sa aking bubuwit, ang misis na sumama sa congressmang tumalo sa kanyang mister sa pulitika ay si Mrs. T. as in Talipandas.

Ang mister nitong pulitiko na tinalo ng kanyang lover boy na congressman ay si Mr. A as in Alas.

At ang congressman na nang-agaw ng misis ng kanyang kalaban sa pulitika ay si…

Ang gandang lalaki mo talaga, Sir? Siya ay chairman ng isang maimpluwensiyang komite sa House of Representatives.

Siya ay si Congressman P. as in Playboy ng Mindanao.

vuukle comment

AYON

CONGRESSMAN P

DR. DOMINGO

EMMANUEL VILLALUZ-CUM LAUDE

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KANYANG

KUYA EDDIE

LEYTE REP

MISIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with