Electrical fault ang kadalasang dahilan ng sunog kaya ipinapayo na siyasating mabuti kung may overloading. Ipa-inspeksyon ito sa lisensyadong electricians. Kapag may sunog ay kaagad tumawag sa pinakamalapit na fire station. Huwag mag-panic. Lakasan ang loob at alamin ang mga fire exits at siguraduhing lahat ng mga kasambahay ay ligtas. Patayin kaagad ang fuse para maiwasan ang pagkalat ng apoy. Kapag nailabas na ang mga importanteng gamit ay huwag nang balaking bumalik pa sa nagliliyab na kabahayan.
Tsek-apin ang LPG, siguraduhing patay ang kandila, gasera at kalan! Huwag basta magtapon ng sigarilyo, huwag mag-imbak ng rebentador at iba pang fireworks para maiwasan ang sunog. Kasabihan na mas mabuti pang sampung beses na manakawan kaysa masunugan.