^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa sunog

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SUNUD-SUNOD ang mga nangyaring sunog ngayong buwang ito. Tama lang sa taguring Fire Prevention Month. Nauna nang naiulat ng Bantay Kapwa ang litanya ng mga sunog sa iba’t ibang lugar sa kapuluan. Sa mga huling araw ng Pebrero ay nagimbal ang pagkasunog ng SuperFerry 14 na bagamat marami ang nakaligtas ay hindi pa rin matiyak ang bilang ng mga nalunod at nawawalang pasahero. Kabilang pa sa mga nawawala ay mga estudyanteng mula sa Misamis Oriental at Lanao del Norte. Matapos ang trahedya ng SuperFerry 14 kinabukasan ay naireport ang malaking sunog sa Quiapo, Manila.

Electrical fault ang kadalasang dahilan ng sunog kaya ipinapayo na siyasating mabuti kung may overloading. Ipa-inspeksyon ito sa lisensyadong electricians. Kapag may sunog ay kaagad tumawag sa pinakamalapit na fire station. Huwag mag-panic. Lakasan ang loob at alamin ang mga fire exits at siguraduhing lahat ng mga kasambahay ay ligtas. Patayin kaagad ang fuse para maiwasan ang pagkalat ng apoy. Kapag nailabas na ang mga importanteng gamit ay huwag nang balaking bumalik pa sa nagliliyab na kabahayan.

Tsek-apin ang LPG, siguraduhing patay ang kandila, gasera at kalan! Huwag basta magtapon ng sigarilyo, huwag mag-imbak ng rebentador at iba pang fireworks para maiwasan ang sunog. Kasabihan na mas mabuti pang sampung beses na manakawan kaysa masunugan.

vuukle comment

BANTAY KAPWA

FIRE PREVENTION MONTH

HUWAG

IPA

KABILANG

KAPAG

KASABIHAN

LAKASAN

MISAMIS ORIENTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with