Basahin natin si Mateo at ating pagnilayan ang mga pangyayari hinggil sa naging problema ni Jose (Mt.1:16, 18-21, 24).
At si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Jesus na tinatawag na Kristo.
Ganito ang pagkapanganak kay Jesus. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Mariay natagpuang nagdadalang-tao. (Itoy sa pamamagitan ng Espiritu Santo.) Isang taong matuwid si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasya niyang hiwalayan ito nang lihim.
Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siyay naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at itoy pangangalanan mong Jesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan."
Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon; pinakasalan niya si Maria.
Tunay nga na si Jose ay nagkaroon ng malaking problema. Si Maria ay naglilihi. Inisip ni Jose na tiyak na nagkaroon si Maria ng pakikipagtalik sa ibang lalaki. Ano ngayon ang kanyang gagawin? Nagpasya si Jose na matahimik na hiwalayan si Maria. Subalit ipinahayag sa kanya ng isang anghel ang misteryo ng paglilihi ni Maria. Si Maria ay nabuntis sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Kung kaya si Jose ay di-na dapat mag-atubili na tanggapin bilang kabiyak niya si Maria at ang anak nito na kanyang pangangalagaan. Ang magiging anak ni Maria ay Anak ng Diyos. Siya ang Mesias ang Tagapagligtas ng sanlibutan.
Si San Jose ang tagapangalaga at protektor ng Simbahan. Dumulog kay San Jose; tiyak na lagi niya kayong tutulungan.