Malaking kahulugan kung ang paningin ay mag-kakaroon ng problema gaya ng hindi pagkakita sa tunay na kulay ng isang object. Kadalasan ang problema ay sa tinatawag na red-green deficiency ng pasyente. Hirap silang matukoy ang tunay na kulay. Ang mga tingin nila sa mga kulay na pula at berde ay gray o kulay abo.
Ipinaliwanag ni Dr. Fe na ang Ishihara Test ay mayroong 15 plates color combination na pinatitingnan at pinapabasa sa pasyente. Sinabi niya na hanggang ngayon ay wala pa ring katiyakan kung ano ang sanhi ng color blindness. Batay sa pahayag ni Dr. Ishihara ang problemang ito sa paningin ay congenital o namamana at hanggang ngayon ay wala pa ring gamot sa naturang vision defect.
Namahagi ang grupo nina Dr. Fe Cataquiz ng libreng salamin sa mga mahihirap at may diperensiya sa mga mata sa kanilang outreach program. Para sa karagdagang kaalaman sa color blind test, sa computerize eye refraction at iba pang problema sa mata, sumangguni kay Dr. Fe Flores Cataquiz sa pagtawag sa 532-9015 at 0919-4766804.