Ang isang realidad, hindi maaalis na marami rin ang mga nagagalit sa estilo ko. Ang dahilan hindi daw nila gusto ang uri ng aking "diskarte."
Hindi ko kasi estilo gawing puti ang itim. Hindi ako marunong pumuri. Subalit marunong akong humanga sa mga taong karapat-dapat hangaan. Hindi lang dapat hangaan, kundi dapat pamarisan sa kanilang katapatan.
Wala akong pakialam dun sa mga taong naiinis at nagagalit sa estilo ko. Gusto ko lang idagdag, lalo lang nabubuhayan ang aking dugo dahil alam kong akoy kanilang binabasa, pinakikinggan at pinanonood kung kayat silay naiinis.
Salamat dun sa taong nagpadala sa akin sa pamamagitan ng "e-mail" na katatanggap ko lang. Ilalathala ko ang kanyang pinadala, walang labis walang kulang, "hoy gagong bahala si tulfo mana ka talaga sa tatay mong gago at baliw. Si FPJ may pera di tulad mong gago wala kang pera "
Dagdag pa nitong nagmamahal sa akin, "bakit may ambisyon ka bang tumakbo ? Di kita iboboto gago!" - Joaquin Garcia (joaqzpogi@yahoo.com)
Makinig sa DZME 1530 Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 a.m. At panoorin ang programang "BITAG" tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. sa IBC-13.