Drug money babaha sa eleksyon
March 12, 2004 | 12:00am
ISA si re-electionist Senador Robert Barbers sa nagbabala ng pagkalat ng drug money ngayong eleksyon. Sinabi niya na may mga pulitiko na gagamit ng pera mula sa droga sa kanilang pangangampanya. Mismong ang senador ang nag-ulat na may listahan ang mga kandidatong sinusuportahan ng mga sindikato sa droga kaya nga nakipag-ugnayan ang PNP sa iba pang ahensiya ng gobyerno para mapigil ang pagkalat ng drug money lalo na sa mga huling araw bago sumapit ang May 10 election.
Ang narcopolitics ay binunyag noon pa mang crusader na si Mary Ong na mas kilala bilang si Rosebud. Sinabi ni Rosebud na ang kanyang RAID (Rosebud Against Illegal Drugs), ang Volunteers against Crime and Corruption nila ni Dante Jimenez at ang equal Justice For All nina Atty. Leonardo de Vera ay ilan lang sa mga organisasyon na puspusang nakikibaka sa narcopolitics. Batid ni Rosebud at ng mga kapanalig niya na makapangyarihan ang mga drug lords na namimigay ng pera sa mga botante kaya nananawagan sila sa mga voters na huwag ipagbili ang kanilang boto para mahalal ang mga kandidatong suportado ng mga sindikato ng droga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended