^

PSN Opinyon

P 4.2 B dibidendo ng Pag-IBIG members

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
MAY karapatang matuwa ang mga miyembro ng Pag-IBIG. Iniulat ni Atty. Romero Quimbo, Presidente ng Pag-IBIG na umabot sa mahigit na P4.2 bilyong piso ang dibidendo ng mga miyembro. Ang nasabing halaga ay maidadagdag sa Total Accumulated Value (TAV) ng lahat ng mahigit na limang milyong miyembro nito. Ang personal na kontribusyon ng miyembro, kontribusyon ng kanyang employer at mga dibidendong natatanggap ang bumubuo ng TAV.

Ang pagbibigay ng dibedendo sa mga miyembro ay nakabatay sa Section 3, Rule VIII ng Implementing Rules and Regulations ng RA 7742 o tinatawag na "Amending the Home Development Mutual Fund Act. Nakasaad sa batas na ito ang pag-aatas sa Pag-ibig Board of Trustees na magtabi ng halaga na hindi bababa sa pitumpung porsiyento ng annual net income ng ahensya, babayaran ito sa pamamagitan ng dibedendo sa mga miyembro.

Sa taong 2003, mas mataas sa sampung porsyento sa pitumpong porsiyento o walumpung porsyento sa net income pagkatapos ng pagbabayad buwis na nagkakahalaga sa P5.26 bilyon ang itinalaga para sa dibidendo ng mga miyembro.

Ang nasabing inisyatibo ay pagpapatunay lamang ng pagpapahalaga ng Pag-IBIG sa kanyang mga miyembro at ang katatagan nito.

Sa mga miyembro ng Pag-ibig, maari po kayong magtanong sa inyong Total Accumulated Value sa Pag-ibig Office na pinakamalapit sa inyo.

AMENDING THE HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND ACT

BOARD OF TRUSTEES

IBIG

IMPLEMENTING RULES AND REGULATIONS

INIULAT

MIYEMBRO

PAG

ROMERO QUIMBO

TOTAL ACCUMULATED VALUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with