Humahanga ako sa mga biktimang marunong lumaban, bastat siyay nasa katuwiran at ang ipinaglalaban ay pawang katotohanan lamang.
Dito sinisiguro ko na patas ang magiging labanan sa pagitan ng biktimang nagrereklamo na lumapit sa amin at humihingi ng saklolo laban sa taong kanyang inirereklamo.
Subalit, ang nakakatawa rito, yung abusadong inirereklamo, ang pinupuntirya naman ay yung taong tumutulong sa biktima ng PANG-AAPI at PANG-AABUSO, ang inyong lingkod, Ben Tulfo lang po, ng BITAG!
At ang nagrereklamo na desperadong naghahanap ng kanyang mga masasandalan ay ang Principal ng School of Midwifery ng Fabella Memorial Hospital, si Mrs, Ruth Castro.
Ito yung principal na pilit na pinagtatakpan ang kapalpakan at kapabayaan ng kanyang dalawang clinical instructor ng Fabella Memorial Hospital na natutulog lang sa loob ng sasakyan na nakaparada sa ilalim ng puno.
Samantala yung mga pobreng estudyante pinababayaan magbahay-bahay sa isang barangay ng Taguig habang isinasagawa ang kanilang clinical practice. Itoy base mismo sa sumbong ng mga midwifery students na nagsalita sa harap ng BITAG camera.
Ipinakikita ko sa inyong mga giliw na tagasubaybay ng kolum kong ito, ang nakatuwad na kukote ng principal na si Mrs. Ruth Castro. Nagawa ni Mrs. Castro na lumapit sa chairman ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na si Cerge Remonde hinggil sa isinagawang imbestigasyon ng BITAG.
Hindi lang sa chairman ng KBP lumapit si Castro, kundi maging sa presidente ng IBC 13 na si Atty. Rene Bello at sa Vice President na si Mr. Roberto del Rosario.
Inaakala nitong si Castro, akoy isang reporter at talent ng IBC 13. Ang kanyang reklamo laban sa akin ay conduct unbecoming sa isinasagawa kong interview sa dalawang clinical instructor kaharap siya.
Ang hindi alam ni Castro, ako ang may-ari ng BST Tri-Media Production, producer ng BITAG. Hindi ako isang empleyado, reporter o talent ng IBC 13. At ang pagpapalabas namin sa IBC 13 ay co-production.
Ang BITAG ay nagsimula sa ABC 5, isang taon at kalahati bago kami lumipat ng himpilan sa IBC 13 nitong Pebrero a-7. Nakahanda akong harapin ang sinuman, saan man at kailanman sa kaso ni Castro laban sa akin.
Inaanyayahan ko ang sinumang media o television network na gustong i-cover ang isasagawang imbestigasyon, kung meron man o sinuman ang magkaka-interes sa reklamo nitong nakatuwad na kukote na si Castro at ang kanyang dalawang tutulog-tulog na clinical instructor.
Gusto kong bukas para sa publiko ang isasagawang imbestigasyon. Upang makita ng taumbayan ang pagdurusa ng ama ng biktima ni Castro na si Shirly Mateo. Nagmamakaawang umiyak sa harapan ni Castro nang mabalitaang dinimote ni Castro si Shirly dahil sa simpleng pagkakamali lang.
Inaanyayahan ko rin ang tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED) sa pangunguna ni Atty. Julito Viteriolo na nanghimasok sa kaso ni Shirly. Kung kayat makaka-graduate na ngayon si Shirly Mateo. Salamat sa BITAG. INURONG na ng Fabella ang demotion nila kay Shirly.
Maraming mga eksena sa aming isinagawang follow-up na imbestigasyon na dapat mapanood ng taumbayan sa susunod na episode ng BITAG.
Hinahamon ko si Castro na magsampa pa ng kaso sa hukuman laban sa akin. Nakahanda kaming samahan siya at i-cover ang pagsasampa ng kaso laban sa akin para makakuha pa siya ng karagdagang media mileage at simpatiya na kanyang kakailanganin.
Nag-uumpisa pa lang ako, Mrs. Castro. Salamat nakatagpo ako ng taong kapareho mo. Dito masusubukan mo ako, layunin kong mailantad ang pawang katotohanan na iyong pinagtatakpan. Pakinggan mo rin ako sa DZME, hindi kami miyembro ng KBP, para sa yung kaalaman.