Governor,gustong 'makaiskor' sa tatlo niyang scholar

ALAM n’yo bang ibinalik ng tatlong babaing students ang kanilang scholarship na inisponsoran ng kanilang governor. Gusto kasi silang iskoran ni Gob.

Ayon sa aking bubuwit, 63 days na lang, eleksiyon na.

Happy birthday muna kay Tess Gutierrez ng Metrobank; Audrey Tiu ng Equitable Bank-Davao City; Army Col. Teddy Tan, Rene Nicasio ng Cocobank-Zapote branch; Army Cpl. Jean Guinaob at Vangie Aliado ng Hong Kong.
* * *
Alam n’yo bang isinoli ng tatlong estudyante ang scholarship na ibinigay sa kanila ng isang governor?

Ayon sa aking bubuwit, nagalit ang tatlong estudyante sapagkat gustong bumawi ang governor sa ibinibigay sa kanilang pabor.

Siguro, kung nakakalusot si Gob sa iba niyang scholars na puwede silang mai-date, sinubukan din niya ang tatlong magagandang estudyante na scholars niya.

Talaga namang magaganda at saka mga paga-betty anyos pa lamang itong mga scholars ni Gob.

Sila ay nag-aaral sa isang kolehiyo sa kanilang probinsiya. Itong isa ay talagang maganda sapagkat siya ay naging beauty queen na sa kanilang lalawigan.

Siya ay nag-aaral ngayon ng abogasya.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, isang gabi ay ipinatawag ni Governor ang tauhan niyang bading at inutusan na sunduin ang tatlo niyang magagandang scholars. Sumunod naman si Bading. Pinuntahan ang mga estudyante sa kanilang boarding house.

Nagulat ang mga scholars ni Gob. Gabi na ay bigla silang ipinatawag at sinabihan pa sila ng bading na sundin daw kung ano ang gusto ni Gob upang magtuluy-tuloy ang pagsuporta nito sa kanilang libreng pag-aaral sa kolehiyo.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, nang malaman ng isang scholar ang ganitong plano ni Gob, nagalit ito. Ito yung pinakamaganda sa mga scholars na kumukuha ngayon ng law. Third year law proper na siya. Hindi siya sumunod sa bading na sumusundo sa kanya. Dahil sa galit ng naturang law student, kinabukasan ay nagtungo siya sa Kapitolyo.

Pumunta sa opisina ni Gob at ibinigay sa kanya ang registration card nito. Sabay sabing hindi niya kailangan ang scholarship na ibinibigay ni Gob kung katawan naman niya ang kapalit.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, nang malaman ng dalawa pang magagandang scholars ang ginawa ng dating beauty queen, sumunod din sila at isinoli na rin ang kanilang scholarship.

Ang governor na gustong maka-iskor sa kanyang magagandang scholars ay walang iba kundi si…

Talagang may pagkapilyo pala sa chiching si Gob kahit amoy lupa na. Ipinagyayabang pa nito na wala naman daw magi- ging problema kung makasiping man siya sapagkat siya naman daw ay nagpa-vasectomy na.

Ang naturang governor ay walang iba kundi si Gov. L. as in Lover Boy ng Northern Luzon.

Show comments