^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nasaan na ang mga 'sekretas?

-
ILANG buwan na ang nakararaan sinabi ng Western Police District (WPD) na magde-deploy sila ng mga "sekretas" sa mga dyipni at bus para maproteksiyunan ang mga pasahero sa mga holdaper. Anang WPD, dalawang "sekretas" ang kanilang ipakakalat. Ang kampanya ng WPD laban sa mga masasamang-loob ay nagkaroon ng sigla nang magkasunud-sunod ang mga pangho-holdap sa mga pampasaherong dyipni at bus. Tinatangay ang pera, cell phones, alahas ng mga pasahero at ang malupit, kapag hindi ibinigay ang hinihingi, walang awang pinapatay ang pasahero. At nakapangangamba na pabata nang pabata ang mga holdaper. Edad 15 ay holdaper na at sanay nang pumatay!

Nasaan na nga ba ang mga "sekretas" na sinabi ng WPD? Ningas-kugon na naman? Ngayon ay laganap ang holdapan sa bus, dyipni at FX hindi lamang sa Maynila kundi sa iba pang lugar sa Metro. Mapanganib sumakay sa mga pampasaherong sasakyan pagkat walang nagbabantay na kapulisan.

Isa sa mga naging biktima ng mga walang kaluluwang holdaper ay ang Pharmacy student sa UP na si Mary Joyce Lattao, 19. Labing-isang araw na nawala si Mary Joyce at walang makapagsabi kung saan siya naroon. Noong February 25, natagpuan siya sa isang funeral parlor. Patay na!

Papasok umano si Mary Joyce sa UP dakong 8:30 ng umaga noong February 15. Nakasakay siya sa G-Liner Bus. Nang nasa Ramon Magsaysay Blvd. sa Sta. Mesa, Manila na ang bus, tatlong lalaking armado ng baril ang humoldap sa kanila. Nilimas ang pera, cell phone at alahas ng mga pasahero. Nang kukunin kay Mary Joyce ang kanyang mga gamit, tumanggi ito, na ikinagalit ng isa sa mga holdaper at binaril siya sa mukha ng dalawang beses. Pagkaraan ay walang anumang tumakas ang mga holdaper. Nawala sa kasikatan ng araw. Walang pulis sa lugar.

Isinugod sa Lourdes Hospital si Mary Joyce pero nalagutan na ng hininga. Dinala siya sa isang funeral parlor at doon namalagi nang may isang linggo. Ang ina ng boyfriend ni Mary Joyce ang nagbalita sa pamilya ng biktima. Parehong nasa ibang bansa ang mga magulang ni Mary Joyce.

Bagamat nahuli na ang dalawang suspect at kinilala ang mga ito ng konduktor, ang katanungan pa rin ay nasaan ang pangako ng WPD na magkakaroon ng mga "sekretas"? Nasaan ang mga pulis sa kaliwanagan ng araw? Abala sa mga kandidato o abala sa mga GRO na nakaupo sa kanilang kandungan gaya ng nangyari sa Novaliches Station. Hindi kataka-taka na may mga sumunod pang biktima na gaya ni Mary Joyce, kung hindi pakakalatin sa gabi at araw ang mga pulis.

G-LINER BUS

JOYCE

LOURDES HOSPITAL

MARY

MARY JOYCE

MARY JOYCE LATTAO

NANG

NASAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with