Sinabi diumano ni Sison na wala nang kredibilidad si Gil dahil ipinangangalandakang siyay bilyonaryo pero hindi makapagbayad ng utang sa hotel. Ang ganyang mga pahayag ay hindi compatible sa personalidad ni Bro. Eddie na nagtataguyod ng bagong pulitika. Pulitikang hindi naninira sa kalaban kundi nagpapakita ng better alternative sa taumbayan. Ang ano mang kapintasan o palpak na ginawa ng kampo ni Gil ay lantad na sa publiko. Kung itoy tutuligsain pa ng ibang presidential candidate, lalabas itong nagti-take advantage sa issue para magkaroon ng mileage.
Ano namang mileage ang makukuha mo mula sa isang kandidatong kulelat sa survey tulad ni Gil? Its like flogging a dead horse.Totoong batay sa survey, pangalawa sa kulelat si Bro Eddie. Pero kung minsan, hindi accurate ang survey dahil mayroon na siyang napatunayang di birong puwersa nang magdaos ng rally sa Luneta nung Linggo na dinaluhan ng halos 3 milyong supporters. Kahit yung mga kandidatong nangunguna sa survey ay hindi pa nakakahatak ng ganyan karaming attenders sa isang rally.
Ipokrito ang presidential candidate na magsasabing bale-wala ang ipinakitang lakas ni Bro. Eddie.
Sanay maging maingat si Atorni sa pagbibitaw ng mga pahayag na maaaring makasira imbes na makatulong sa kandidatura ng una. At harinawang huwag ikagalit ng taumbayan ang naturang pahayag porke hindi naman si Bro. Eddie ang nagsalita.