Ayon sa aking bubwit, 77 days na lang, eleksiyon na.
Happy birthday muna kay Bro. Ruel Manalo, Lory Cabanes, Tony Katigbak ng Philippine Star; Irene Ebron ng DZRH at Dong Suarez ng Romblon.
Ayon sa aking bubwit, ang dating kongresista sa Metro Manila ay idineklara kamakailan ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) na hindi pala nanalo noong nakalipas na eleksyon.
Kung kailan naman kasi ilang buwan na lamang ay mag-eeleksiyon na ay saka lamang nagdesisyon ang electoral tribunal.
Ang malungkot ang natalong kandidato na nakaupo ngayon ay ayaw umalis sa kanyang posisyon.
Kung hindi pa makialam ang liderato ng Kamara ay hindi pa siya aalis sa kanyang opisina sa Batasang Pambansa.
At nang alamin ng nanalong kongresista kung may natira pang pork barrel ang pinalitang mambabatas, natuklasang meron pa palang hindi naire-release na pork barrel na P40 milyon.
Nang tangkain nitong bagong kongresista na kunin ang nasabing pork barrel.
Hinarang ng natalong kandidato.
Kinausap pa diumano si House Speaker Joe de Venecia na huwag aprubahan ang CDF ng bagong kongresista.
Pero dahil mag-eeleksiyon na, nagpumilit ang bagong deklarang nanalong kongresista na makuha ang budget.
At dahil siya nga naman ang may karapatan nang kumuha sa CDF na P40-milyon ang talunang congressman ay nakiusap sa nanalong congressman.
Ang sabi ay bigyan na lang daw siya ng P10-milyon mula sa P40-milyon at hindi na siya tututol.
Hanep, dahil sa CDF ay nag-aaway pa.
Kaya tama lang siguro na alisin na ang pork barrel ng mga kongresista ano.
Sila ay parehong taga-Pasig City.
Ang naka-upo ng matagal subalit naideklarang natalo pala ay si dating Congressman Henry Lanot.
Ang nanalo naman ay si congressman Toti Cariño.