^

PSN Opinyon

Gabay sa kalusugan (Huling Bahagi)

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NARANASAN na ba ninyo na mahabag sa sarili? Ito ang na-experience ni Olive de Castro, 45, taga Urdaneta, Pangasinan. Sobrang kati ng katawan at hindi malaman kung anong klaseng allergy ang dumapo sa kanya. Pinainom siya ng steroid pero hindi gumaling. Panay ang kamot niya kaya pati ang mister niya ay nandiri sa kanya. Hindi na siya lumalabas ng bahay dahil alam niyang pinagtsitsismisan at nilalayuan siya ng mga kapitbahay. Diabetic si Olive at humina ang kanyang kidney. Isang pinsan niya ang nakabasa sa Pilipino Star NGAYON (PSN) ng tungkol sa Jade Nano-Cera Mattress ang nagdala sa kanya kina Dr. Romeo Orteza. Dalawang session lang ay natuyo ang mga pantal at bumaba ang blood sugar ni Olive. Nabuhayan siya ng loob at nagkaroon ng tiwala sa sarili.

Si Joseph Ong, 52, taga-Mandaluyong ay diabetic, high blood at may erectal dysfunction Palagi siyang aburido. Nabasa niya sa PSN ang tungkol sa naiibang paraan ng panggagamot kaya agad siyang komontak sa 7438767 at 0917-9191669, sa klinika nila Dr. Orteza. Sa loob ng limang sessions ay malaking pagbabago ang nadama ni Joseph. ngayon ay madalas na ipagyabang niya sa mga kumpare niya na muling nabuhay si Manoy!

Si Felicidad Martinez, 87, ng Valle Verde, Pasig City ay walang ganang kumain, palaging masakit ang ulo at humina ang memorya kaya kahit pangalan ng mga anak at apo niya ay hindi na matandaan. Nang sumailalim siya sa bio-energetic modulation therapy nila Dr. Orteza ay natuwa siya at mga kapamilya niya dahil nakakakain na siya, natutulog ng mahimbing at umunlad ang memorya niya.

Matagal nang may altapresyon si retired Major Antonio Sabas, 68, ng Muntinlupa. Tuwing gigising siya ay hindi siya makatayo sa tindi ng sakit ng mga tuhod niya. Maraming doctor na ang tumingin sa kanyang arthritis pero walang nangyari. Maging sa Thailand at Singapore ay nagpagamot siya sa mga herbalists pero hindi siya gumaling. Nagulat siya dahil tatlong higa lang sa ‘‘miracle mat’’ ay nakatatayo na siya ng matuwid at gumana ang kanyang ‘‘sandata’’ at maligaya silang nagtatalik na mag-asawa.

vuukle comment

DR. ORTEZA

DR. ROMEO ORTEZA

JADE NANO-CERA MATTRESS

MAJOR ANTONIO SABAS

NIYA

PASIG CITY

PILIPINO STAR

SI FELICIDAD MARTINEZ

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with