Stress at migraine kayang gamutin ng pakikipag-sex

PAMPAHABA raw ng buhay ang pakikipagtalik ayon sa medical study ng mga American doktor at ito’y nalathala kamakailan lamang sa Time Magazine.

Ayon sa pag-aaral ang pagtatalik ay malaking tulong sa pagtibok ng puso at sirkulasyon ng dugo. Ang couple na madalas na mag-love making ay malayong magkaroon ng atake sa puso. Ayon sa mga eksperto ang pagtatalik ay mahusay na paraan ng exercise dahil lahat halos ng cells ng katawan ay gumagalaw. Idinagdag nila na ang mga taong na bypass ay okay pa rin silang mag-sex pero ipinapayo nila na makabubuting sumangguni rin sila sa kanilang mga doktor.

Sinasabi sa naturang study na ang pakikipag-sex ay malaking bagay para mawala ang stress. Rekomendado rin ito sa mga may migraine. Bukod sa migraine ay mabisa rin ang pakikipag-sex sa may arthritis.

Ayon sa mga American doctors malaking tulong din ang sexual intercourse para ma-prevent ang breast cancer at prostate cancer.

Hiningan namin ng opinion ang kaibigan at kasamahang columnist dito sa Pilipino Star NGAYON na si Dr. Tranquilino Elicaño Jr. Sinabi ni Dr. Elicaño na epektibo ang sex sa puso at sa prostate pero hindi ito konektado sa pag-iwas sa breast cancer na correlated o naayon sa breast feeding. Binigyan diin ni Dr. Elicaño ang kahalagahan ng breast feeding at idinugtong niya na talagang walang tatalo sa masustansiyang gatas ng ina sa kalusugan ng sanggol.

Show comments