Doon sa halagang $20 milyon, na nagpalipat-lipat na sa ibat ibang banko at nakamasyal na sa buong mundo ay $2 milyon ang sinabi ni Jimenez na napunta kay dating Justice Secretary Hernando "Nani" Perez na ngayon ay tumatakbo bilang gobernador ng Batangas sa partido ni Madam Senyora Donya Gloria.
Ayaw lantarang sabihin ni Jimenez kung saan napunta ang natitirang $18 milyon pero yun din ang panahon kung saan panay ang pasyal ni JOSE PIDAL sa Hong Kong at kung saan madalas siyang makita malapit sa Coots Bank, isang ekslusibong banko ng mga Royal Blood ng United Kingdom at mga tunay na mayayaman lang na dayuhan.Natabunan ang isiniwalat ni Ginoong Sanchez, laki siguro ng pasasalamat ni Madam Senyora Donya Gloria sa kanyang amo na si US President George W. Bush sa paglusob sa Iraq.
Kasama tayo sa nakalimot sa naturang isyu na bukod sa giyera sa Iraq ay nasundan pa ng ibang isyu gaya ng expose ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson na si JOSE PIDAL at si JOSE Miguel Arroyo ay iisang tao at maraming perang dineposito sa ibang bansa, kasama na sa Coots Bank sa Hong Kong.Nabaon ito ng marami pa at laking gulat natin nang matuklasang pinasara na pala ito ni Madam Senyora Donya Gloria at tinanggal ang mahigit 700 empleyado ng naturang ahensya.
Kaso nga lang ang hepe nito na dating pari na si Francisco Silva ay pinromote pa at ginawang Presidential Adviser on Rural Electrification.Buong akala natin nagbawas lang ng tao upang pagtakpan ang mga anomalya pero laking gulat natin nang matuklasan na ang naturang ahensiya ay sinama pa pala nila sa nais na budget ng Malacañang para sa 2004.
Hindi rin sinabihan ng Malacañang ang Kongreso at Senado na sarado na ang naturang ahensiya kaya kahit na hindi pumasa ang budget para sa 2004 at ire-reenact na lang ang 2003 budget ay kasama pa ang pondo nakalaan rito.Magkano ang pondong nakalaan at ngayon ay puwede ng i-realign, mahigit pa sa ilang buwang walang tumama sa lotto. P3.4 bilyon at may savings pang P300 milyon kaya aabot sa GRAND PRIZE na P3.7 bilyon.
Ang laki hindi ba? Pero bakit hindi nila pinagtapat ito at itinago pa. Dati-rati ay pinagmamalaki pa ni Madam Senyora Donya Gloria kung ahensiya siyang sinasara gaya ng Public Estate Authority na may sakop sa napaka-eskandalosong Macapidal este Macapagal highway kung saan umakyat ang presyo ng kalye mula P500 milyon hanggang sa P1.2 bilyon. Kalyeng tinawag ni Lacson na pinakamahal na kalye sa buong Universe.
Ayon naman kay dating Sen. Juan Ponce Enrile na ating nakapanayam kahapon sa programa natin sa DZEC, maaari ngang ma-realign ang naturang pondo dahil komo reenacted ang budget ay nasa kapangyarihan na ni Madam Senyora Donya Gloria ang magre-align ng pondo, dagdag pa riyan ang paghirang niya kay Silva bilang Adviser na may Cabinet rank at overseer pa rin ng NEA.
Malaking halaga ito at dapat sana ay pumasok ang Commission on Audit upang mapatigil ang anumang paggamit sa pera ng naturang ahensiya. Bakit mo gagamitin ang pera samantalang sarado na? Hindi aaminin ng Palasyo pero takot ng karamihan ang MAHIWAGANG BUDGET na ito ay gagamitin sa election.Kayo nga kaibigan, saan kaya mapupunta ang MAHIWAGANG BUDGET? Text lang ng inyong kasagutan sa 09272654341.