^

PSN Opinyon

Mahiwagang budget

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
NOONG nakaraang taon, bago lusubin ng sundalong Amerikano at okupahan ang Iraq ay binulgar ni dating National Electrification Administrator Noel Sanchez ang pag-uutos ni Madam Senyora Donya Gloria na mamigay ng tig-P2.5 milyon sa bawat kongresista upang ipasa ang EPIRA law. Isa sa mga batas na inapura ni Madam Senyora Donya Gloria sa Kongreso at halos kasunod ng pag-aapruba niya ng IMPSA deal kung saan may tumataginting na $20 milyon ang pinamahagi ni dating Kongresista at ngayon ay nakakulong sa United States na si Mark Jimenez.

Doon sa halagang $20 milyon, na nagpalipat-lipat na sa iba’t ibang banko at nakamasyal na sa buong mundo ay $2 milyon ang sinabi ni Jimenez na napunta kay dating Justice Secretary Hernando "Nani" Perez na ngayon ay tumatakbo bilang gobernador ng Batangas sa partido ni Madam Senyora Donya Gloria.

Ayaw lantarang sabihin ni Jimenez kung saan napunta ang natitirang $18 milyon pero yun din ang panahon kung saan panay ang pasyal ni JOSE PIDAL sa Hong Kong at kung saan madalas siyang makita malapit sa Coots Bank, isang ekslusibong banko ng mga Royal Blood ng United Kingdom at mga tunay na mayayaman lang na dayuhan.Natabunan ang isiniwalat ni Ginoong Sanchez, laki siguro ng pasasalamat ni Madam Senyora Donya Gloria sa kanyang amo na si US President George W. Bush sa paglusob sa Iraq.

Kasama tayo sa nakalimot sa naturang isyu na bukod sa giyera sa Iraq ay nasundan pa ng ibang isyu gaya ng expose ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson na si JOSE PIDAL at si JOSE Miguel Arroyo ay iisang tao at maraming perang dineposito sa ibang bansa, kasama na sa Coots Bank sa Hong Kong.Nabaon ito ng marami pa at laking gulat natin nang matuklasang pinasara na pala ito ni Madam Senyora Donya Gloria at tinanggal ang mahigit 700 empleyado ng naturang ahensya. 

Kaso nga lang ang hepe nito na dating pari na si Francisco Silva ay pinromote pa at ginawang Presidential Adviser on Rural Electrification.Buong akala  natin nagbawas lang ng tao upang pagtakpan ang mga anomalya pero laking gulat natin nang matuklasan na ang naturang ahensiya ay sinama pa pala nila sa nais na budget ng Malacañang para sa 2004.

Hindi rin sinabihan ng Malacañang ang Kongreso at Senado na sarado na ang naturang ahensiya kaya kahit na hindi pumasa ang budget para sa 2004 at ire-reenact na lang ang 2003 budget ay kasama pa ang pondo nakalaan rito.Magkano ang pondong nakalaan at ngayon ay puwede ng i-realign, mahigit pa sa ilang buwang walang tumama sa lotto.  P3.4 bilyon at may savings pang P300 milyon kaya aabot sa GRAND PRIZE na P3.7 bilyon.

Ang laki hindi ba? Pero bakit hindi nila pinagtapat ito at itinago pa. Dati-rati ay pinagmamalaki pa ni Madam Senyora Donya Gloria kung ahensiya siyang sinasara gaya ng Public Estate Authority na may sakop sa napaka-eskandalosong Macapidal este Macapagal highway kung saan umakyat ang presyo ng kalye mula P500 milyon hanggang sa P1.2 bilyon.  Kalyeng tinawag ni Lacson na pinakamahal na kalye sa buong Universe.

Ayon naman kay dating Sen. Juan Ponce Enrile na ating nakapanayam kahapon sa programa natin sa DZEC, maaari ngang ma-realign ang naturang pondo dahil komo reenacted ang  budget ay nasa kapangyarihan na ni Madam Senyora Donya Gloria ang magre-align ng pondo, dagdag pa riyan ang paghirang niya kay Silva bilang Adviser na may Cabinet rank at overseer pa rin ng NEA.

Malaking halaga ito at dapat sana ay pumasok ang Commission on Audit upang mapatigil ang anumang paggamit sa pera ng naturang ahensiya.  Bakit mo gagamitin ang pera samantalang sarado na?  Hindi aaminin ng Palasyo pero takot ng karamihan ang MAHIWAGANG BUDGET na ito ay gagamitin sa election.Kayo nga kaibigan, saan kaya mapupunta ang MAHIWAGANG BUDGET?  Text lang ng inyong kasagutan sa 09272654341. 
* * *
Mahigit 200 ang nag-text sa atin tungkol sa nakaraan nating kolum sa paggamit ng kampo ni Madam Senyora Donya Gloria ng mga taga Hollywood upang ayusin ang kanyang political ads.  Halos lahat ay nadismaya at sinabing nawalan sila ng respeto sa kanya dahil hindi siya bilib sa ating mga kababayan at sa dayuhan pa bumilib.  Wala pang sampu, katunayan ay pito lang ang sa inyong lingkod nagalit. Ilalathala natin ang ilan at paumanhin sa hindi mapagbigyan.  Maraming salamat muli sa tuloy inyong pagtangkilik na nagpapalakas ng ating loob.
* * *
Ay bakit ganyan ang Pangulo ntin kktain nlang ng kbbyan ntin pinakinabangan pa ng dayuhan wla plang kwenta si GMA. –09185573457; D dpat irespeto c glorya kc corrupt cya at d tpat sa taumbayan. Nagtpos sa America pero inuna ang pera. –09167270565;Gma umaasa sa boto ng mga pinoy yun pla wlang twala sa mga kbbyan nya wag pniwlaan at wag iboto. –09202867882; Kya cguro d naibigay ang increase s mga rtired n mga sundalo ksi gnamit nya lhat sa campain mterials nya. –09207202510; Gma pnagloloko lang tayo nyan. –09183508587;  Pano k magttwala s isang pangulong wlang twala sa msmong kalahi nya? –09185598038;  Fpj bgay k lang sa acting tlaga. Pati campaign mo prang nagshooting kya ayaw kang magpainterview sa media dahil walang take 2. –09186506289; Khit konti man lang respetuhin din natin kasi sya ang pres sa bansa natin e sa akin lang.  khit hindi ko siya iboboto. –09193216393; Yes she still deserve respect, w/  all the hardwork na hindi nakikita ng mga nagbubulag-bulagang masa.  We don‚t mind kung cno p gumawa ng mga posters.  At least wl sya motorcade at musical extravaganza. –09182394686.Hndi cya dpat respetuhin, kung gusto nya duon n lang cya amerika tumakbo 2tal hndi nman cya iiwanan ng classmate nya db. –09195536004; Mr kua maawa na kayo kay madam way nyo n po cyang banatan sinusunod lang po niya gus2 ni jose pidal c ping na lang banatan nyo kaci cnusuway si pedal. –09274457219. Gma ala twala s gwang pilipino. Yan b ang taong mag-aahon s atin s khirapan? Malapit na elction. Magisip2 tau. –09202118248; Paano irerespeto at paniniwalaan ang isang taong sinungaling at walang tiwala sa kakayahan ng kapwa Pilipino. –09198212032.
* * *
Para sa ano mang reaksyon, mag-e-mail lang sa nixonkua@ yahoo.com o kaya’y magtext sa 09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

COOTS BANK

DONYA

GLORIA

LANG

MADAM

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with