Huwag nang makipaglokohan sa mga kandidato
February 14, 2004 | 12:00am
NAKAKAHILO ang ginagawa ng mga presidentiables at ang mga ka-tiket nila. Paramihan sila ng mga pinupuntahang lugar upang mangampanya. May nagpupunta doon, may nanggagaling dito, may nagkikris-kros. Hindi nga marahil maiiwasan na magkasalu-salubong ang mga ibat ibang grupo katulad ng nangyari sa campaign motorcade nina GMA at Ping Lacson noong isang araw sa Laguna.
Marahil ay nagkukumahog sa pagmamadaling makabisita sa nakakaraming lugar ang mga kandidatong ito sapagkat 90 araw lang sila maaaring mangampanya. Dati-rati ay walang ibinibigay na taning na panahon ang pangangampanya kung kayat hindi masyadong naghahabol ng oras ang mga kandidato.
Subalit ano ang napapansin sa mga kampanyahan ngayon? Ang mga kandidato ay nasa sasakyan na pangiti-ngiti at pakaway-kaway sa mga taong nagkakagulong nakahanay sa lansangan na malaman na naroroon dahil binayaran o ang iba naman ay gustong makita nang personal ang kanilang mga paboritong artista. Sa mga rally naman, ano ang ginagawa ng mga kandidato sa entablado? Ayun, nagsasayaw at pakanta-kanta na parang mga taong walang bait.
Ang taumbayan naman ay nakikipaglokohan din. Kung kayat mga palpak at mga luko-luko rin ang napipili nilang magsilbi sa bayan. Nakuha ang mga boto nila hindi dahil sa galing, karanasan at reputasyon ng kandidato kundi dahil sa pamamagitan ng pasayaw-sayaw, pakanta-kanta, pagpapatawa at ilang daang pisong lagay sa bulsa ng botante. Sino ngayon ang may kasalanan bakit mga palpak ang mga iniluklok natin sa pamahalaan? Di ba tayo rin?
Huwag nang makipaglokohan sa mga kandidato. Huwag nang dumalo sa kanilang mga motorcade at mga rally. Magastos pa ang mga yan. Himukin na lang natin ang mga kandidato na gamitin ang mga pahayagan, radyo at telebisyon sa paglalahad ng kani-kanilang mga plataporma at programa. Dito natin pagbasehan ang pagpili kung sino ang mga ihahalal natin, di po ba?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest