Ayon sa aking bubuwit, 91 days na lang at eleksiyon na.
Happy birthday muna kay Prof. Fred Lobo ng University of the East; Bro. Atty. Tony Paguirigan ng Ilagan, Isabela; Rey Nadar, Menchie Orlina ng Western Union at Denise Lourdes Papa ng New Jersey, USA.
Ayon sa aking bubuwit, ang iba namang contractors ay nagtatampo ngayon sa congresswoman dahil hindi man lamang ikinakalat ang biyaya.
Ang ikinalulungkot pa ng mga local contractors, ang nakikinabang nang husto sa pork barrel ng congresswoman ang foreign contractor na boyfriend ng congresswoman.
Iba na talaga ang may pinagsamahan.
Ayon sa aking bubuwit, walang patawad ang magsiyotang congresswoman at contractor sapagkat maski malalaki at maliliit na project ay kinokopo nila.
Sabi ng mga contractor sa kanilang distrito, kahit man lang sana maliliit na proyekto ay ambunan naman sila. Kaso nga lang, maski pinakamaliit na kontrata ay ibinibigay ng congresswoman sa kanyang boyfriend.
Ayon pa sa aking bubuwit, maski mga mayor ay galit na rin kay Congresswoman dahil nawala na rin yung SOP na natatanggap nila mula sa mga contractor.
Naku, totoo naman kaya itong report ng mga contractor na substandard ang mga materyales na ginagamit ng boyfriend ni Congresswoman?
Nagtataka nga ang marami kay Congresswoman sapagkat napakayaman nila pero parang masiba ito sa mga kontrata.
Ang foreign contractor na siyota ni Congresswoman ay isang Singaporean. Itago mo na lang siya sa pangalang Mr. M. as in Martial.
At ang siyota nitong congresswoman ay walang iba kundi si dati siyang misis ng isang basketball coach sa PBA. Kakandidato sanang senador sa ilalim ng oposisyon subalit biglang umatras baka raw dayain sa eleksiyon. Anak siya ng kilalang pamilya mula sa Luzon. Siya ay si Congresswoman I as in Inamorata.