^

PSN Opinyon

Puslit na manok may halong baboy

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAGULANTANG ang mga kuwago ng ORA MISMO dahil sa tip na ibinulong ng mga assets nito na may karneng baboy daw na nakahalo sa ilang reefer vans na ipinuslit sa Port of Batangas.

Hindi lang pala isyu ng bird flu ang usapin sa mga smuggled dressed chicken kundi pati ang isyu ng Foot and Mouth Disease ay kasama rin kung totoo man, may halong karneng baboy ang reefer vans.

Dapat i-double check ng DA at ng Bureau of Customs ang nasabing issue. Paging Customs Commissioner Tony Bernardo at Benjie Angeles, Intel bossing ng Department of Agriculture.

Kung may FMD, ang mga karneng baboy, kawawa naman ang mga makakakain nito, tiyak grabe ang magiging sakit.

Balak kasi ng BOC na ipasubasta ang mga nakumpiskang manok para pangdagdag sa kanilang revenue collection.

Kung ang mga magnanakaw naman ng laman ng reefer vans ang makakatsibog nito, buti nga sa inyo.

All accounted na pala ang lahat ng mga reefer vans na ipinuslit sa Port of Batangas kaya naman natutuwa ang mga kuwago ng ORA MISMO.

Siguradong katakut-takot ang ginagawang imbestigasyon sa isyung ito kaya may panahon pa ang mga sumabit na kumanta ng maganda para hindi kayo ang mapahirapan.

Naawa tuloy ang mga kuwago ng ORA MISMO sa pamilya ng mga sumabit dahil tiyak sa karsel ang punta ng mga ito kapag minalas-malas sila.

Economic sabotage ang tiyak na isasampang kaso ng gobyerno versus sa kanila.

Tiyak matagal-tagal din kayo sa kulungan.

Marami naman ang natutuwa lalo’t ang mga gago dahil hindi sila nakasama sa sibakan sa Port of Batangas.

Pero sa information na natanggap ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinaiimbestigahan na rin ni Bernardo ang mga Customs Police na nakatalaga sa nasabing puerto.

Imposible kasing makalabas ang mga reefer vans ng hindi alam ng Customs Police, di ba?

"Marami pa ang sasabit nauna lang ang mga pumirma sa dokumento," anang kuwagong urot.

"May sagutin din ang mga taga-operations, Customs Police, Office of the Collector, etcetera sa issue naman ng command responsibilities," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Sana ang Department of Finance mismo ang magpa-imbestiga o kaya ang tanggapan ng NBI, CIDG o Ombudsman," naiinis na sabi ng kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.

"Sana huwag magkalutuan sa imbestigasyon?"

"Ito ang aabangan natin, kamote."

BENJIE ANGELES

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS POLICE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF FINANCE

FOOT AND MOUTH DISEASE

MARAMI

PORT OF BATANGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with