Mickey Mouse na ang Piso!
February 5, 2004 | 12:00am
HUWAG mag-alala at temporary lang o pansamantala ang pagbaba ng piso. Iyan lagi ang linya ng gobyerno sa tuwing babagsak ang halaga ng ating salapi kumpara sa US dollar.
Nun pa mang bumagsak sa singkuwenta pesos ang halaga ng piso laban sa dollar, iyan na ang sinasabi ng gobyerno bilang pakonsuwelo de bobo sa tao. Dont worry, this is but temporary.
Kayo galit? Sinungaling ba ang gobyerno? Huwag kayong magalit at nagsasabi lang ng totoo ang gobyerno. Talaga namang pansamantala lang ah?
Mahigit na sa singkuwentay seis pesos ang halaga ng isang dolyar at iyan ay hindi naman magtatagal. Temporary lang iyan. Naniniwala ako sa ating gobyerno. Bakit? Pustahan tayo bukas-makalawa hindi na P56 iyan kundi P60 na o higit pa. Oh di ba? Temporary lang iyan! At kapag hindi pa nagbago ang kondisyon ng bansa at nagpatuloy ang mga bangayang pulitikal sa susunod na mga panahon, maghanda na kayo ng isang bayong na pera tuwing kayoy magsi-shopping. Our currency will be worth only the paper it is printed on. What a pity!
Sino ang dapat sisihin sa pagbagsak ng ating piso? Sobrang pulitika ang dahilan. Ang mga balitang kudeta at siraan ng mga politiko ang nangungunang dahilan. Nawawalan ng tiwala ang mga negosyante sa katatagan ng ekonomiya kaya nagaalsa-balutan na sa ibang bansa tangay ang kanilang dolyares.
Pati yung mga nagtatrabaho sa ibang bansa ay ayaw nang magpadala ng kanilang dolyar sa Pilipinas dahil takot sa situwasyon dito. Nakalulungkot isipin na habang tumataas ang halaga ng salapi ng ibang bansa sa Asya, tayo naman sa Pilipinas ay nagdurusa sa pagbagsak ng ating piso.
Bilang resulta, natural na tumaas din ang presyo ng mga bilihin kaya ang kawawa ay ang mga mararalitang Pilipino. Yung mga politiko? Kesehoda! Kapag tuluyang bumagsak ng ekonomiya ng Pilipinas, lilipad lamang iyan sa ibang bansa na kinaroroonan ng kanilang limpak-limpak na yaman.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest