Kilala n'yo kaya si Elena Sabado? (1)
February 2, 2004 | 12:00am
NAGBABAKASYON si Joe Robles sa Malaga, Spain, nang matalisod ang isang karumal-dumal na krimen. Pulis siya sa San Francisco, California. Cebuano siya na dinala ng magulang sa Amerika sa edad-9.
Namumutiktik sa overseas Filipino workers ang siyudad-Espanya sa tabing dagat. Nang malaman nila kung sino si Joe, humingi sila agad ng tulong para sa isa sa kanila. Nasa radyo lang kasi kamakailan ang balita: isang Pinay domestic helper, Elena Sabado, ay ginahasa at pinatay. Pero hindi umandar ang imbestigasyon. Kataka-taka, kasi halos kasabay nun ay may ginahasa rin at pinatay na magkapatid na Kastilang teenagers. Tinutukan ng Spanish press ang pulisya hanggang mahulit masakdal ang suspects.
Imbis na ituloy ang pamamasyal sa Espanya, pinasya ni Joe na tutukan ang kaso ni Elena. Nakipagkita siya sa pulis-Malaga. Ginamit niya ang natural na pagkakapatid ng mga pulis sa propesyon para mapasalita sila ng maseselang bagay.
Si Elena pala ay empleyada ng isang mayamang negosyante na matagal nang pinaghihinalaan ng pulisya na may ugnayan sa droga. Maraming kaibigang pulitiko, huwes at piskal ang negosyante, kaya hindi madaling imbestigahan. Nung una, sinundan nila ang lead na may di-sinasadyang natalisod si Elena na drug deal nung amo. Kinailangan siyang patahimikin. At para magsilbing aral, pinagahasa muna bago saksakin nang labing-apat na beses sa ulot katawan.
Dinampot ng pulis ang OFW boyfriend ni Elena nang malamang may plane ticket ito pauwi ng Pilipinas. Pero pinalaya siya nang mabatid nila na lahat pala ng OFW ay dapat na may return ticket-garantiya kumbaga na hindi magti-TNT (tago nang tago). Tapos nun bigla na lang pinatigil ang imbestigasyon ng pulis-Malaga.
Nagbiyahe si Joe nang 10 oras sa bus patungong Madrid. Doon sa capital ng Espanya, inusisa niya ang Philippine embassy kung ano ang ginawa sa kaso ni Elena. Laking gulat niya sa sagot nila.
(Itutuloy bukas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended