Ang tagumpay ng programang ito ay dahil na rin sa kooperasyon at pakikipagtulungan ng NHMFC at ang mga urban poor housing groups. Sa nakaraang "Kabalikat sa Pabahay Awards," kinilala ang kontribusyon at suporta ng mga grupong ito sa kanilang natatanging kontribusyon sa CMP at sa kabuuang pagpapatupad ng programa sa pabahay.
Para sa outstanding community associations, pinarangalan ang Garcia Heights Credit Cooperative ng Bajada, Davao City (national winner); Villa Alfonso HOA ng Bambang, Pasig (Luzon winner); Lahing-lahing Neighborhood Assoc. ng Mabolo, Cebu (Visayas winner); at Suraya HOA-Phase 1 ng Buhangin District, Davao City (Mindanao winner).
Para naman sa kategorya ng outstanding CMP originator (for NGO) ang kinilala ay ang Foundation for Development Alternatives (Luzon); Assumption Parish of Davao Socio-Economic Development Foundation (Mindanao) at ang Pagtambayayong-A Foundation for Mutual Aid ng Cebu (Visayas).
Ang mga lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Marikina, Antipolo, Pasig, Cebu at Bacolod ay kinilala bilang outstanding CMP originators. Samantala, binigyan ng special citations ang provincial government ng Rizal at Quezon City at Las Piñas City sa kanilang pagsuporta at partisipasyon sa implementasyon ng CMP.
Umaasa kami sa patuloy na pakikipagtulungan at suporta ng mga urban poor housing groups sa implementasyon ng mga programa sa pabahay.