^

PSN Opinyon

Dating magkaibigan magkaaway na

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HAYAGAN na itong political war nina Bulacan Gov. Josefina dela Cruz at Agrarian Reform Sec. Roberto Pagdanganan. Sa kanyang ‘‘Ulat sa Bayan’’ kasi noong Huwebes, ibinulgar ni dela Cruz sa kanyang constituents na si Pagdanganan ang nasa likod ng sunud-sunod na negatibong balita ukol sa kanya na naglalabasan sa radyo at diyaryo nitong nakaraang mga araw. Ibinulgar pa ni dela Cruz na may banta sa kanyang buhay at ang nautusang tigukin siya ay nasa poder niya sa ngayon matapos ikanta sa kanya ang maitim na balakin ng mga kalaban niya sa pulitika. Imbes na sagutin umano ni Pagdanganan ang isyu tulad ng P35 milyon pay sa kanyang mga consultants sa DAR, P30 million na ginastos sa pagpagawa ng DAR gymnasium at ang P38 billion na maaring gamitin sa kampanya ng kanyang anak na si Raymond at ang sari-saring land conversion sa ngayon ng DAR, eh ang pagyurak sa pagkatao niya ang pinagkaabalahan nitong si Pagdanganan. He! he! he! Dapat magsalamin muna itong si Sec. Pagdanganan bago bumatikos ng kapwa niya, di ba mga suki?

Pati pala kay Presidente Arroyo ay sinisiraan nitong si Pagdanganan si Gov. dela Cruz. Ang isang isyu na ibinato ni Pagdanganan laban kay dela Cruz ay sumusuporta ito sa kandidatura ni FPJ na ayon sa huli ay kathang isip lamang. Mabuti na lang at may linya rin itong si dela Cruz kay GMA kaya’t maaga siyang nakapagpaliwanag. Si dela Cruz at ang kanyang runningmate na si Vice Gov. Aurelio Plamenco ay tatakbo sa kani-kanilang third and last terms sa ilalim ng administration party Lakas-CMD sa darating na May elections. Talagang may gustong palabasin itong si Pagdanganan dahil pinatakbo rin niya ang kanyang anak na si Raymond sa kampo rin ng Lakas-CMD. He!he!he! Huhusgahan ng mga Bulakenyo itong si Raymond sa darating na elections.

Sa isyu naman na ibinato ng kampo ni Pagdanganan tulad ng pagbili ng mga behikulo sa auto shop na pag-aari ng kanyang pamilya, ang special education fund at ang paggamit ng iba’t ibang passport sa kanyang foreign travels, may kasagutan diyan si dela Cruz.

Ayon kay dela Cruz matagal na niyang binawi ang puhunan niya sa auto firm at katunayan nagsampa na siya ng libel doon sa nagsabing sa kanilang pamilya pa ang naturang negosyo. Ang Land Bank of the Philippines naman ay nagpalabas ng ruling na ang paggamit ng Bulacan’s Special Education Fund sa P215 million loan para pondohan ang pagpagawa ng school buildings sa probinsiya ay legal at aboveboard. Sa paggamit naman ng tatlong passports, nilinaw ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) base sa section 7 paragraph C ng Republic Act 8239 na nagsasaad na ang government employees at mga miyembro ng kanyang pamilya ay maaaring humawak ng iba’t ibang passport para sa pag-travel at bilang diplomatic passport sa biyahe sa abroad mapa-negosyo man o diplomatic ang motibo. Sa katunayan nai-junk ng DILG ang complaint na naisampa laban kay dela Cruz ukol sa passport issue. Hayan, get n’yo ang paliwanag ni Gov. de la Cruz, mga suki? Ayon kay de la Cruz, dapat rin sigurong sagutin ni Pagdanganan ang isyu ukol sa taguri sa kanya ng mga farmers na ‘‘Father of Land Conversion.’’

AGRARIAN REFORM SEC

ANG LAND BANK OF THE PHILIPPINES

AURELIO PLAMENCO

AYON

CRUZ

DELA

KANYANG

PAGDANGANAN

RAYMOND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with