Pigilin ang pagtanda, labanan ang kanser pasiglahin ang sex life (Huling Bahagi)

MAGING ang mga kalalakihang may sex probem ay mapapagaling din ng Jade Nano-Cera Mattress.

Ipinagtapat ni Michael Luis Villalon, 45, at residente ng New Manila, Quezon City na matagal na siyang may sex problem. Naaawa siya sa asawa na hindi na niya kayang matugunan ang pangangailangan nito. Nagpatingin siya sa isang urologist ngunit hindi siya gumaling. Nang mabasa niya sa kolum na ito ang tungkol sa Jade Nano-Cera Mattress ay agad siyang nakipag-appointment kay Dr. Romy Orteza. Sa ngayon ay tuwang-tuwa si Michael. Sabi niya, tuwing gigising siya sa umaga ay may "flag ceremony" na. Maligaya na ang pagtatalik nilang mag-asawa.

Si Godofredo Manapsal, 64, ng Marulas, Valenzuela City, ay maraming sakit. Tatlong taon na siyang pinahihirapan ng sakit sa tuhod, nahihirapang tumayo pag matagal na nakaupo, nahihilo, may tumutunog sa tenga, mahina ang memorya at may sex problem din. Nang masuri siya sa RR Rejuvenation Clinic nina Dr. Orteza at Maricar Diomampo, natuklasan na mayroon siyang rheumatoid arthritis, dizziness, memory loss, vertigo at ang hindi pagtigas ng kanyang ari. Ang lahat ng mga karamdamang ito ay nalunasan ng Jade Nano-Cera Mattress.

Nakaramdam ng biglang pagkahilo at namamanhid ang kanang braso ni Virgilio Agudo, 46, ng Makati noong September 3. Hindi siya makatayo at agad na dinala sa ospital at sumailalim sa maramihang pagsusuri. Natuklasan na may bara ang dalawang ugat sa puso niya. Mataas ang blood pressure, uric acid at cholesterol niya. Sa payo ng kanyang kapatid na ginamot ni Dr. Orteza, nagsadya siya sa klinika. Nagpatotoo siya na nawala ang sakit ng kanyang dibdib. Nawala ang hingal niya at muling sumigla ang kanyang "sandata". Sa mga gustong magpatingin sa RR Rejuvenation Celinic, tumawag sa 7438767, 8001973, 091791660 at 0918240065.

Show comments