^

PSN Opinyon

Magiba kaya nina Ebdane at De Leon si Insp. De Jesus ?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HINDI na tayo dapat magtaka kung naagaw na sa ngayon ng inaanak ni Manila Mayor Lito Atienza na si Randy Sy kay Boboy Go ang trono bilang hari ng video karera sa Maynila. Kasi nga, 30 porsiyento pala ang ibinibigay na komisyon ni Sy bawat makina niya kaya’t marami sa mga alipores ni Go ang lumipat na sa kanya. Sayang din kasi ang kikitain nilang 10 porsiyento at marami na itong naitulong sa kanila. Kaya sa ngayon, hindi na nagdadalawang-isip ang mga may-ari ng bahay at mga locator na ibigay kay Sy ang kanilang puwesto para naman madagdagan ang kita nila. Lalo na sa panahon ngayon ng election, tiyak titiba nang malaki si Sy dahil hindi na pakikialaman ng pulisya ng Maynila ang makina nila dahil abala sila sa pulitikong alaga nila, he-he-he! Malaki ang gagampanang role ng ama ni Sy na si Arturo Sy sa kandidatura ni Atienza kaya’t magsasawalang-kibo na lang ang kapulisan natin laban sa anak niya, di ba mga suki?

Ito palang father and son na Sy ay palaging bisita ni Mayor Atienza sa kanyang opisina sa City Hall, anang Manila’y Finest na nakausap ko. At dahil malapit nga sila kay Atienza, e ni singkong duling ay walang ibinibigay na intelihensiya si Randy Sy sa mga pulis diyan sa Manila City Hall detachment. Diyan nakakalamang si Sy kay Boboy Go. Bunga sa nakamenos siya sa City Hall detachment, nakayanan pa ni Randy Sy na magtaas ng porsiyento sa bawat makina niya samantalang si Boboy Go ay hindi na dahil bugbog-sarado siya sa intelihensiya. Get n’yo mga suki?

At napag-usapan na rin lang ang intelihensiya, halos

ARTURO SY

ATIENZA

BOBOY GO

CITY HALL

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MAYNILA

MAYOR ATIENZA

RANDY SY

SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with