Ayon sa aking bubuwit, bagamat hindi impressive ang qualification ng isang jueteng lord, siya ay kinatatakutan ng kanyang mga kalaban sa pulitika dahil sa dami ng pera.
Limpak-limpak na salapi ang ginagamit nito sa eleksiyon. Actually, ang nagpanalo sa kanya noon ay katas din ng jueteng.
Hindi kataka-taka na kapag manalo ulit itong tinutukoy kung jueteng lord ay baka kumandidato na rin ang iba pang sangkot sa jueteng. Malay nyo baka maging governor o mayor din balang araw sina Bong Pineda, Charing Magbuhos, Tony Santos at iba pang lord ng illegal gambling diyan.
Wala namang magandang performance ang mayor na ito kaya lang, dahil sa dami ng kanyang pera, kayang-kayang bumili ng boto, nanalo pa rin.
Kaya pala hindi niya pinapayagan na magkaroon ng lotto outlet sa kanyang bayan dahil makakalaban nito ang kanyang pa-jueteng.
Ayon sa aking bubuwit, bilang paghahanda sa pagkandidato ni jueteng lord sa mas mataas na posisyon, siya ay nag-alaga na rin ng mga mayors at mga barangay officials at maging public school teachers.
Siya ay si Mayor S. as in Santo Tomas.