Welcome aboard, WB Al Fernandez
January 17, 2004 | 12:00am
UMUPO na si WB Al Fernandez kapalit ni Andrea Domingo sa Bureau of Immigration bilang Commissioner, kahapon.
Si Andrea ay pumalaot sa pulitika, tatakbong Mayor sa San Fernando, Pampanga ngayong Mayo.
Si WB Fernandez, ang napili ni Prez Gloria na humalili bilang BI bossing sa Immigration dahil sa magandang record at makataong ipinakita nito sa kanyang mga constituent sa Dagupan. Dati kasing Mayor ng Dagupan si Al. Wala itong ginawang katarantaduhan o kagaguhan sa kanyang bayan ng aktibo pa si Al sa pulitika.
Nangako si WB Al, na ipagpapatuloy niya ang mga magagandang nagawa ni Andrea sa bureau. Itutuloy niya ang kampanya laban sa mga foreign terrorists at international drug syndicate para masugpo ang masama nilang balak sa Pinas.
Dalawa lang sa mga ayudante ni WB Al ang isinama niya sa bureau at nangakong lalo niyang pag-iibayuhin ang serbisyo rito.
Maganda kasi ang iniwang trabaho ni Andrea sa Immigration tumaas ang kanyang collection, maraming sindikato ng human smuggling itong natimbog at naparusahan, mga international terrorists na nasakote, mga international drug lords na nabitag na naghihintay na lamang ng hatol ng korte.
Ang lahat ng ito ay itutuloy ni WB Al matapos siyang magpalabas ng all-out-war laban sa lahat ng uri ng international syndicates. Sa ngayon sabi ni WB Al ay wala munang balasahan sa mga tauhan ng BI titingnan muna natin ang kanilang mga performance.
Mabuting tao at napakabait ni WB Al baka lokohin siya ng kanyang mga gagong tauhan sa bureau, anang kuwagong urot.
Kung sa kagaguhan at katarantaduhan madaling masalat ni WB Al iyan dahil sanay siya sa mga ganitong sistema kasi beteranong pulitiko ito, sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Sa palagay ko hindi lulusot kay WB Al ang mga gagawin kalokohan ng kanyang mga tauhan sa lahat ng port of entry sa bansa, natatawang sabi ng kuwagong Kotong cop.
Tiyak iyon, dahil hindi lang dalawa ang mata ni WB Al sa kanyang bagong opisina."
"Bakit langaw ba si Fernandez kaya maraming mata?" tanong ng kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.
Kamote ka talaga! Ang ibig kong sabihin maraming taong tutulong sa kanya."
Hindi ko kasi alam na iyon ang ibig mong sabihin."
Ang problema kasi lagapot ka!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended