Ang pagpapagaling sa isang paralitiko
January 16, 2004 | 12:00am
BAGO pa mapagaling ni Jesus ang paralitiko, pinatawad na nito ang mga kasalanan ng lalaki. Si Jesus ay naparito upang lunasan ang lahat ng masama sa paralitiko. Basahin ang Mark 2:1-12).
Bumalik si Jesus sa Capernaum pagkalipas ng ilang araw, at kumalat ang balitang siyay nasa kanyang tahanan. Kaya nagkatipon ang napakaraming tao, anupat wala nang matayuan kahit sa labas ng pintuan. Samantalang nangangaral si Jesus, may idinating na isang paralitikong dala ng apat na katao. Hindi nila ito mailapit kay Jesus dahil sa dami ng tao, kaya binakbak nila ang bubong sa tapat niya, at inihugos ang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan. Nang Makita ni Jesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, "Anak, ipinatatawad na ang mga kasalanan mo." May nakaupo roong ilang eskriba na nagsaloob ng ganito: "Bakit nagsalita ng ganito ang taong ito? Kalapastanganan sa Diyos iyan! Hindi bat Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?"
Alam ni Jesus ang kanilang iniisip, kaya sinabi niya, "Bakit kayo nagsasaloob ng ganyan? Alin ba ang lalong madali: ang sabihin sa paralitiko, "Ipinatatawad na ang mga kasalanan mo", o ang sabihing, "Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan at lumakad ka"? Patutunayan ko sa inyo na dito sa lupa, ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan." Sinabi niya sa paralitiko, "Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at umuwi ka!" Tumindig naman ang paralitiko, binuhat ang kanyang higaan at umalis na nakikita ng lahat. Silay nanggilalas at nagpuri sa Diyos. "Hindi pa kami nakakikita ng ganito!" sabi nila.
Sa pagdating ni Jesus, ang bukang-liwayway ng ultimong tagumpay ng Diyos laban sa sakit at kasamaan ay naganap. Isinaganap ni Jesus ang kapangyarihan at awtoridad. Kung kaya siyay nagpapatawad ng mga kasalanan kasabay ang pagpapagaling.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest