Kalikasan Vigilante
January 15, 2004 | 12:00am
HELLO sa mga hinahangaan kong brodkaster sa DWBR (Business Radio) na sina Emily Marcelo at Vic Milan, the fightingest radio tandem ng programang Kalikasan Vigilante na napapakinggan tuwing alas-siyete kinse ng gabi sa naturang himpilan on 104.3 FM. No, dont get me wrong. Hindi silang dalawa ang nag-aaway kundi inaaway nila ang mga sumasalaula at yumuyurak sa ating environment.
Lagi ko silang pinakikinggan sa radyo on my way home from work matapos akong makapagsara ng pahina ng ating dalawang pahayagang Pilipino Star Ngayon at PM (Pang-Masa). Personal kong kilala at kaibigan ang yumaong asawa ni Emily na si Levi Marcelo na isa ring mamamahayag na nakatalaga sa press office ng Malacañang noong panahon ni yumaong ex-President Marcos. Eniwi (to borrow the favorite expression of Vic) lets now get to the point.
Dahil binabanggit ni Emily ang kanyang mobile phone number sa ere, tinawagan ko siya at naging phone pals kami. I learned na isa pala siyang artist and she will be holding her first one-woman exhibit sa February 5, 2004 sa Le Souffle, Ortigas Center. Ditoy itatanghal ang kanyang mga paintings na pang-kalikasan rendered in oil. Siguro worried si Emily na baka dumating ang araw na ang mga subjects na iginuguhit niya sa canvas ay maglaho nang lahat dahil sa pagsalanta ng tao kaya ipini-preserve niya sa kanyang mga paintings. Ang tema ay "nature in oil". Kaya I hope to be there during the exhibit. That will be the first time for me to see Emily in person. Kasi, gusto kong makiisa sa krusada laban sa pagsalanta sa ating kapaligiran. Marami akong natututuhan sa programa gaya ng segregation ng mga nabubulok at di nabubulok na basura.
Kung minsan pati akoy nabu-bullseye sa mga patutsada ng dalawang brodkaster na ito pagdating sa maling gawi ng marami nating kababayan (myself included) na nakakaperhuwisyo pala ng kapaligiran. Kaya join na rin kayo sa tinatayang 7-million listeners nina Emily and Vic ng Kalikasan Vigilante program sa DWBR na istasyong pinanggalingan ko rin once upon a turntable.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended