^

PSN Opinyon

Limang 'M' nais ng mga botante

SAPOL - Jarius Bondoc -
PAULIT-ULIT itong lumilitaw sa mga survey mula pa dekada-80. Tuwing tatanungin ang mga botante kung ano ang hinahanap nila sa kandidato, limang "M" ang parating sinasagot.

Una sa lahat, madaling lapitan. Kailangan bukas ang pinto ng pinuno para mapaglaharan ng daing. May kinalaman marahil ito sa hustisyang hinahangad ng mga naaapi o nabibiktima ng kasamaan.

Pangalawa, matulungin. Sinusuri ng mga botante ang pagkatao ng kandidato. Inaalam kung handa ito tumulong sa kanilang kalagayan. Tila kakambal ito ng unang "M".

Pangatlo, matalino. Tinitingala ng botante bilang pinuno ang taong mas may alam kaysa kanya. Siyempre lang. Bakit mo naman susunurin ang alam mong mababa ang kaalaman kaysa iyo.

Pang-apat, malinis. Nakakapagtaka na huli ito sa pagka-matalino, pero ‘yon ang lumalabas sa surveys. May mga matalino pero madumi naman. Ginagamit ang talino sa pangungurakot.

Huli sa lahat ang marunong magpatakbo ng gobyerno. Tinitingnan ng botante kung kakayanin ng kandidato ang gulo ng mga isyu at hirap ng pamumuno sa bansang watak-watak.

Nitong mga nakaraang taon, ‘yung huling "M" –pagka-marunong-ay umangat ang ranggo bilang pangatlo. Anang pollsters at political scientists, bunsod ito ng pambansang karanasan sa ilalim ni Joseph Estrada. Binoto siya ng mga simpleng mamamayan, pero pinabagsak siya di dahil sa plunder o jueteng payola, kundi dahil hindi niya napigilan ang mga kaibigang nangurakot sa tabi niya.

Ani Economic Planning Sec. Romulo Neri, sawa na ang taumbayan sa sunud-sunod na administrasyong hindi nakapag-reporma ng sistema. Sa sistemang ito, patuloy na yumayaman ang mayaman at patuloy na humihirap ang mahirap. Ang politiko, interes lang ng mayayaman ang sinusulong, dahil ito ang nagbibigay ng perang pangkampanya. Kaya ang botante, naghahanap ng hindi politiko, basta may limang "M".

ANANG

ANI ECONOMIC PLANNING SEC

BAKIT

BINOTO

GINAGAMIT

JOSEPH ESTRADA

ROMULO NERI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with