Di ba iyan din ang batikos sa Pangulo nang payagan ng Sandiganbayan si ex-president Joseph Estrada na magpa-opera ng tuhod sa Amerika? Bawat kibot ng Panguloy binabahiran ng politika ng kanyang mga kalaban.
Balido ang puna ni Jamby Abad Santos Madrigal, dating presidential adviser for childrens affairs na ngayoy nangunguna sa Kilusang Kontra-Pulitika. Pinuri niya ang planong amnesty program ng Malacañang ngunit nagwarning siya na puwedeng akusahang political ploy ang magandang programang ito.
Marami nang detractors si Mrs. Arroyo na nag-aakusahang ang amnesty program ay isang uri ng "pamumulitika" ng administrasyon. Ani Jamby, hindi dapat gamiting instrumento sa politika ang amnesty program.
Bagkus aniya, dapat suriin ang dahilan ng pagrerebelde ng ilang sektor ng lipunan. Ugatin ang dahilan kung bakit nagsusulong sila ng mga radikal na reporma at sikapin ng pamahalaan na resolbahin ang mga isyu sa likod nito. Tama nga naman.
Halimbawa, paano maaakit ang mga rebeldeng mag- balik-loob kung umiiral pa rin ang kawalang hustisya sa lipunan, karalitaan at iba pang bagay na pahirap sa maliliit na mamamayan? Ayon kay Jamby, kaakibat ng amnesty program, dapat ipagpatuloy ng administrasyon ang pagsusulong ng totohanang reporma sa lipunan.
\Katig tayo riyan. Ang amnesty program na walang kaakibat na reporma ay hungkag at hindi katanggap-tanggap sa mga kababayan nating nagsipamundok dahil sa kabulukang umiiral sa ating sosyedad.