^

PSN Opinyon

Babala ni Jamby sa Arroyo Amnesty Program

- Al G. Pedroche -
MAGANDA ang layon ng amnesty program na iniaalok ng administrasyong Arroyo sa mga rebelde. Pero ano man ang gawing mabuti ng administrasyon ay pinipintahan ng kulay politika. Pampa-ganda points daw para umani ng boto ang Pangulo sa 2004 presidential polls.

Di ba iyan din ang batikos sa Pangulo nang payagan ng Sandiganbayan si ex-president Joseph Estrada na magpa-opera ng tuhod sa Amerika? Bawat kibot ng Pangulo’y binabahiran ng politika ng kanyang mga kalaban.

Balido ang puna ni Jamby Abad Santos Madrigal, dating presidential adviser for children’s affairs na ngayo’y nangunguna sa Kilusang Kontra-Pulitika. Pinuri niya ang planong amnesty program ng Malacañang ngunit nagwarning siya na puwedeng akusahang political ploy ang magandang programang ito.

Marami nang detractors si Mrs. Arroyo na nag-aakusahang ang amnesty program ay isang uri ng "pamumulitika" ng administrasyon. Ani Jamby, hindi dapat gamiting instrumento sa politika ang amnesty program.

Bagkus aniya, dapat suriin ang dahilan ng pagrerebelde ng ilang sektor ng lipunan. Ugatin ang dahilan kung bakit nagsusulong sila ng mga radikal na reporma at sikapin ng pamahalaan na resolbahin ang mga isyu sa likod nito. Tama nga naman.

Halimbawa, paano maaakit ang mga rebeldeng mag- balik-loob kung umiiral pa rin ang kawalang hustisya sa lipunan, karalitaan at iba pang bagay na pahirap sa maliliit na mamamayan? Ayon kay Jamby, kaakibat ng amnesty program, dapat ipagpatuloy ng administrasyon ang pagsusulong ng totohanang reporma sa lipunan.

Katig tayo riyan. Ang amnesty program na walang kaakibat na reporma ay hungkag at hindi katanggap-tanggap sa mga kababayan nating nagsipamundok dahil sa kabulukang umiiral sa ating sosyedad.

vuukle comment

AMERIKA

AMNESTY

ANI JAMBY

AYON

BAGKUS

JAMBY ABAD SANTOS MADRIGAL

JOSEPH ESTRADA

KILUSANG KONTRA-PULITIKA

MRS. ARROYO

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with