Kung sabagay, maging si Defense Secretary Eduardo Ermita ay bilib kay Varilla. Ayon sa nakausap nating Manilas Finest, si Ermita mismo ang nag-padrino para iupo si Varilla sa PRO4 maliban sa balitang nakialam ang Palasyo. Ayon kay Ermita, tested and proven na raw si Varilla kayat walang semplang ang balak nilang mandaya sa darating na elections diyan sa Batangas. Ang anak kasi ni Ermita na kulelat sa mga survey at tatakbong congressman sa 3rd district ng Batangas kaya kailangang mandaya para iluklok sa puwesto. Hind lang iyan? Tatakbo rin si dating Justice Secretary Nani Perez bilang gobernador sa Batangas. Kailangan talaga ni Prez ang magic ni Varilla dahil kung pag-boo sa kanya sa isang sabungan ang gagawing basehan, may tulog siya sa kanyang kalaban, he-he-he! Galingan mo lang ang pandaraya Chief Supt. Varilla Sir para hindi magkagulo diyan sa lugar mo.
Kung si Varilla ay nandadaya para sa local political bets sa PRO4, hindi nalalayo na gagamitin din siya ng Palasyo para maipanalo niya si Presidente Arroyo, di ba mga suki? Kung ang mock elections na ginanap sa 3rd year high school students ng Xavier Catholic school nitong nagdaang mga araw ang gagawing basehan, mukhang kakain ng alikabok si GMA sa laban niya sa actor na si Fernando Poe Jr. Maging sa hanay ng sundalo, kapulisan government workers ay si FPJ ang nangunguna ng milya-milya at hindi ito magiging magandang palatandaan sa mga political merlins ng Palasyo. Kaya kailangan talaga ng tulad ni Varilla sa mga rehiyon kung saan sa tingin ng Palasyo ay makapandaya sila, di ba mga suki? Ilan pa kayang tulad ni Varilla ang nakaupo sa ngayon sa matataas na police units ng PNP natin? He-he-he! Sigurado akong hindi nag-iisa ang tulad ni Varilla, di ba mga suki?
Pero kung ang patuloy na gerilya operations ng jueteng ni Charing Magbuhos diyan sa Quezon at Laguna ang gagawing basehan, mukhang may padrino talagang malakas si Varilla.
Hindi kasi siya natatakot sa one strike policy na ipinapairal ni Ebdane laban sa jueteng kayat lalong lumakas ang suspetsa na may tasking talaga siya sa PRO4 sa gaganaping elections. Si Magbuhos muna ang habulin niya at hindi panay pandaraya sa elections ang isipin. Magtatagumpay kaya si Varilla sa iniatang na secret mission niya? Abangan!