Ngayong kapaskuhan tumaas ng 100 porsiyento ang mga balikbayan.
Mas gusto kasi ng mga Noypi ang Pinas kaysa ibang lugar, kayat kung may katiyakan lang ang trabaho sa atin ay wala na sigurong mag-a-abroad pa.
Iba kasi sa Pinas andito ang kasaganaan na hindi makikita ng ibang Noypi sa abroad.
Sa Pinas kahit wala kang pera ay makakakain ka porke may mga taong maawain dito samantala sa ibang bansa magpahinog ka sa gutom.
Noong isang taon may 3,000 Noypi ang umuwi sa atin samantala ngayon may 6,000 ang bumalik sa bansa.
Kaya naman nakatulong nang malaki sa ekonomiya ang ating mga bagong bayani dahil hindi birong dollar ang iniuwi nito sa bansa.
Sa NAIA, makikita mo ang mga masasayang mga Noyping dumarating halos tumakbo ito palabas ng airport para makapiling agad ang kanilang mga mahal sa buhay.
Kontrolado naman ng pamunuan ng airport ang mga gagong gustong mandenggoy dito hindi sila uubra sa tindi ng mga kapulisan na nakakalat sa lahat ng sulok ng paliparan.
Ika nga, safe na safe ang mga pasahero.
Hindi rin umubra ang mga colorum na sasakyan sa airport porke hindi sila sasantuhin ng mga awtoridad dito.
Ireklamo lang ang mga kagaguhan tiyak may mabilis na aksyon ang mga taga-MIAA.
Maganda bang pagmasdan ang mga balikbayan na umuuwi ng Pinas? tanong ng kuwagong Kotong cop.
Oo, makikita mo sa kanilang mga mukha ang pananabik, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Sabik sa chicks?
Hindi kamote sa kanilang mga pamilya.
Wala ba talagang tirador ngayon sa airport? tanong ng kuwagong hitad.
Hindi uubra ngayon sa tindi ng preparasyon ng seguridad dito.
Baka naman hanggang ngayon lang iyan?
Palagay ko hindi dahil matindi ang threat ng mga gago sa airport."
Kung ganoon ok sa NAIA.
Tingnan mo na lang, kamote!