Ganunpaman, kinaumagahan inabot ng bata sa Nanay ang kahon ng regalo na binalot niya sa gintong wrapper. "Para sa iyo po ito, Nanay."
Napahiya ang Nanay sa pagpakita ng inis. Pero muli siyang nagalit nang, sa pagbukas ng kahon, wala palang laman. Binulyawan muli ang bata: "Ano ka ba naman? Hindi mo pa ba alam na kung magreregalo ka, dapat may laman ang ibinalot mo?
Namuo ang luha sa mata ng bata. "Nanay, may laman naman po ito. Nag-blow ako ng mga halik, maraming-marami, hanggang mapuno ang kahon."
Nanikip ang dibdib ng Nanay. Napaluhod siya at niyapos ang batang maintindihin sa pagpaabot ng pagmamahal. "Pasensiya ka na, anak, masyado akong nagiging mainitin ang ulo. Mahal na mahal kita."
Di naglaon nagkasakit nang malubha ang bata, at binawian ng buhay. Laking lumbay ng Nanay. Habambuhay tinatabi niya sa pagtulog ang kahong nababalot ng gintong wrapper. Tuwing nagkakaproblema siya nang matindi at nasisiraan ng loob sa hirap ng buhay, binubuksan niya ang kahon at kumukuha ng isang halik habang ninanamnam ang pagmamahal na nilagay ng bata sa loob.
Kung tutuusin, bawat isa sa ating nilalang ng Diyos ay binigyan ng kahong nababalot sa ginto at puno ng walang pag-imbot na pagmamahal at halik ng kapamilya, kaibigan at, siyempre, ng Tagapaglikha. Wala na sigurong hihigit pang pag-aari natin kundi ito.