^

PSN Opinyon

"Saklolong" hinihingi ng isang PAG-IBIG member

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
SA pamunuan ng PAG-IBIG partikular kay Secretary Mike Defensor, ipinaaabot ko ang isang problema ng inyong miyembro.

Binibigyan ko ng daan ang kanyang e-mail sa espasyo kong ito maiparating lamang sa inyo ang ganitong klaseng reklamo.

Umaasa akong "kilos-pronto!" maaksyunan ng PAG-IBIG ang problemang ito. Bagama’t hindi namin nilalathala ang buong pangalan ng inyong miyembro, magagawan n’yo ito ng paraan.

Narito ang mga telepono ng aming tanggapan para sa buong detalye, 931-9475/932-5310/932-8919.
* * *
Dear Mr. Ben Tulfo,

Ako po ay empleyado ng isang pribadong kumpanya (Intel) na nangangarap na magkaroon ng sariling lupa at bahay. Sana ay matulungan po ninyo ako na maiparating ang aking kahilingan kay Secretary Mike Defensor.

Nag apply ako ng housing loan sa PAG-IBIG. NICORP Corp. ang developer ng subdibisyon na nasa Mambog, Bacoor, Cavite (Green Town Village).

Nakatanggap ng sulat ‘nung November 19, 2003 na galing sa PAG-IBIG o Home Development Mutual Fund na nagsasabing meron daw akong tatlong buwang arrears na nagkakahalaga ng 10,580 (kasama po ang interest at current amortization).

Buwan pa dapat ng Agosto magsimula ang aking bayarin. Nagulat na lang ako dahil wala namang notice akong natatanggap galing sa PAG-IBIG na kung saan ay mag-aabiso sa akin ng mga nakatakda kong bayarin.

Ang abiso ay natanggap ko lamang noong nakaraang linggo November 19, 2003 galing sa ahente ng Nicorp (thru text) na nagsasabi na "for take out" na po yung bahay
at meron pong "receiving documents" na dapat lagdaan.

Minabuti ko pong pasyalan ang nasabing lugar upang makita ko kung puwedeng nang tirhan at lipatan yung bahay. Nagulat na lang ako dahil ‘‘on going’’ pa po ang construction ng mga bahay at halos ilan pa lang pong unit ang naitayo (kasama po ang sa akin). Ni hindi pa po tapos ang pagsesemento ng kalsada at nagkalat pa ang mga buhangin, semento, hollow blocks at mga bakal sa gitna ng daan.

Itinatayo pa lamang po ang tangke ng tubig. Hindi ho ba dapat Mr. Tulfo totally finish na ’yung lugar bago sabihin na puwede ng tirhan at lipatan?

Ako po ay talagang nakalaan na bayaran ang aking monthly amortization subalit sana po ay ilagay po sa tamang proseso. Wala po akong kaalam-alam na meron na pala akong utang gayung hindi pa po tapos ang bahay at wala man lamang pong pasabi tungkol sa mga nakatakdang bayaran ko.

Nakatakdang akong sumaglit sa Home Development Mutual Fund (Atrium Makati) upang personal na alamin ang tungkol sa aking arrears. Naka-attached din po ang nasabing notice at billing na aking natanggap upang magsilbing reference ninyo.

Aabangan ang inyong tugon sa
‘‘Pilipino Star NGAYON," at sana maiparating n’yo kay Sec. Mike Defensor ang problema kong ito.

Hinihiling ko po sana ay mai-adjust ng PAG-IBIG ang effectivity ng monthly arrears upang hindi na po mapasama ang interest, alang-alang man lamang po sa nalalapit na pasko. Mabibili ko po ng ilang gamit ang tatlo kong anak at mga mahal sa buhay. Ako’y lubos na umaasa na matulungan ninyo sa aking kahilingan.

Gumagalang,


Alan

vuukle comment

AKO

ATRIUM MAKATI

GREEN TOWN VILLAGE

HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND

MIKE DEFENSOR

MR. BEN TULFO

MR. TULFO

SECRETARY MIKE DEFENSOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with