Ilang butil ng kaalaman

ALAM n’yo ba ang prutas na hunggo? Ito’y parang duhat. Kapag hilaw ang bunga ng hunggo ay kulay berde at nagkukulay Nazareno kapag hinog na. Mayaman ito sa Vitamin C. Maganda itong itanim sa bakuran ng bahay dahil ang punong hunggo ay pananggalang sa malakas na hangin at bagyo.

Sinasabing tirahan at pagkain ng mga ‘‘Koala bears’’ ang Eucalyptus. Isa pang importanteng kontribusyon nito ay gamit itong pantaboy ng lamok at iba pang insekto. Kapag pinigaan ang mga tuyung dahon at sanga ng eucalyptus, ang usok nito ay pumapatay sa mga lamok lalo na ang may dalang dengue.

Ang cadius o cardiz na paboritong gulay ng mga Ilokano ay popular din sa India at Africa. Tumataas ito mula tatlo hanggang apat na metro. Para itong ‘‘chicharo’’ at maliliit ang dahon. Gaya ng mani ang cardis ay isa ring drought resistant crop.

Ayon sa Asian Rice Foundation ang brown rice ay mayaman sa Vitamin B complex, nakapagpapababa ng cholesterol at anti-oxidant din.

Narinig n’yo na ba ang eggplant na tinatawag na ‘‘emperor talong?’’ Kulay light violet ito at sumusukat ng pito at kalahating pulgada ang haba. Inaani ito sa loob ng 50 araw mula nang itanim ito. Ang "emperor talong’’ ay mas matigas kaysa sa talong na inaani sa loob ng 64 araw.

Show comments