^

PSN Opinyon

Pag-agaw sa lupa ng UP,binasura

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
PINAGTIBAY ng Korte Suprema ang pagmamay-ari ng University of the Philippines sa lupain nito sa Diliman. Sa 24-pahinang desisyon ng Korte ibinasura ang pag-angkin ni Jorge Chin at Renato Mallari sa 77.9 na ektaryang lupain sa Barangay Culiat, Quezon City.

Ayon sa Korte, sa survey ng Department of Environment and Natural Resources, ang lupang tinutukoy ay bahagi ng UP Campus sa Diliman. Ang kasong ito ay sinasabing isang pagtatangkang agawan ng lupa ang UP. Sa desisyong ito ay naging pinal ang pagkilala sa pagmamay-ari ng UP sa lupang nasasakupan nito. Ayon sa Korte, paulit-ulit na lamang na kinikilala at pinagtitibay ang titulo at pag-aari ng UP sa lupang kinalalagyan ng kampus nito sa Diliman. Ang titulo ng UP sa nasabing lupain ay ‘‘indefeasible and beyond dispute.’’ Ibig sabihin, ang UP lamang ang tunay at tanging nagmamay-ari ng naturang lupain.

Ang lupa ng UP sa Diliman ay palaging puntirya ng iba’t ibang grupo na agawin ang ilang bahagi ng Diliman kampus. Sa katunayan, ilang buwan na ang nakararaan isang grupo ang nagtayo ng mga bahay sa UP Arboretum ngunit napaalis din ang mga ito.

Ang desisyon ng Korte sa kaso ay malaking tagumpay sa ating kampanya laban sa squatting syndicates. Minarapat kong talakayin sa aking kolum upang maipaalam sa publiko ang pagkilala sa pag-aari ng UP at sa gayon ay huwag kayong mabiktima. Sana sa pamamagitan ng kolum na ito malinawan ang publiko sa katayuan ng lupain ng UP kampus sa Diliman. Hindi ito pag-aari ng mga pribadong tao kundi ng UP lamang.

vuukle comment

AYON

BARANGAY CULIAT

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DILIMAN

JORGE CHIN

KORTE

KORTE SUPREMA

QUEZON CITY

RENATO MALLARI

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with