^

PSN Opinyon

Reward money para sa drug informer nasa banko raw,ani Avenido at Caisip,he,he,he !

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HINDI magkaugaga ang mga opisyales ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga katanungan ni Sen. Robert Barbers kung saan napunta ang milyon na reward money para sa mga informants sa droga. Noong Lunes kasi, ipinatawag ni Barbers sina Anselmo Avenido, director ng PDEA at ang deputy nito na si Rodolfo Caisip at ginisa sa Senado ukol sa reklamo ng apat na informants na hindi pa nakatanggap ng reward hanggang sa ngayon. Si Barbers, ang chairman ng Senate committee on peace and order and illegal drugs, ay kumilos para imbestigahan ang reklamo ng mga informants at itama ang mga maling patakaran kung meron man, he-he-he! Bakit kailangan pa ng Senate hearing kung may batas naman tayo na nagsasabing gawaran ng kaukulang reward ang mga informants, di ba mga suki?

Pinipilit naman na ilayo sa isyu nina Avenido at Caisip kapag inurirat sila ni Barbers kung saan na ba talaga ang perang nakalaan para sa reward. Ayon sa mga kasamahan natin sa hanapbuhay na nandoon sa hearing, malayo sa tanong ni Barbers ang mga kasagutan ng dalawang opisyal pero makulit talaga ang Senador natin kasi gusto niyang ilagay sa ayos nga ang batas ukol sa amended drug law nga. Sa kalaunan, sumagot ang PDEA officials natin na ang pera ay nasa banko. Makalipas ang ilang sandali, inamin naman nila na ang reward money ay napahalo sa general fund at nangako silang magkaroon ng separate fund para nga sa reward, he-he-he! Mahirap talagang itago ang katotohanan, di ba mga suki?

Napakadali pala ng proseso para maging milyonaryo ka sa reward scheme nga ng PDEA. Ang lahat ng impormante ay hinihikayat lang na mag-fill-up ng tinatawag na Information Report Form (IRF) kung saan ang kanyang right thumbmark ang magsisilbing katibayan na siya nga ’yon. Meron ding iisyu ang PDEA na code para hindi makilala ang informant at mahirapan ang mga drug syndicates na isinusuplong niya na magantihan siya at ang kanyang pamilya. Sinabi ng dalawang PDEA officials na ang gagawin lang ng informant, kapag nagtagumpay ang operasyon na kinasangkutan niya, ay ipakita ang original IRF form at presto... matatanggap na niya ang kanyang reward. Pero naguluhan si Barbers dahil nagreport ang isang abogado na mga Xerox copy lang ng IRF ang ibinigay ng isang SPO4 Cabanatan sa kanyang kliyente. Ibig sabihin ba nito ay bayad na ang kanyang kliyente? Tanong pa niya na naging dahilan para matulala itong sina Avenido at Caisip, he-he-he! Mukhang ayaw talagang magbigay ng reward ang PDEA.

Inamin din ng PDEA officials na walong informant na ang nabayaran nila pero hindi nila sinabi kung magkanong halaga ang inilabas nila. Itong kaso lang ng apat na informants, na nagsasabing aabot sa P35 milyon ang reward nila, sila nagkaproblema. Dahil may konting sigalot pang nasilip si Barbers, minabuti niyang ipagpatuloy ang hearing sa isang linggo. Kung itong development ang gagawin nating basehan, mukhang palpak talaga ang PDEA. Kung sabagay, dalawang beses nang inialok ni Presidente Arroyo ang puwesto ni Avenido kay Dep. Dir. Gen. Edgar Aglipay, hepe ng AID-SOTF.

ANSELMO AVENIDO

AVENIDO

BARBERS

CAISIP

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EDGAR AGLIPAY

KUNG

PDEA

REWARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with