^

PSN Opinyon

Dahil kay Pacquiao umarangkada ang Pinoy

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MALAKING karangalan ang nakamit ng Pilipinas sa pagka-panalo ni Manny Pacquiao kay Marco Antonio Barrera ng Mexico. Kahit na ang laban ay hindi isang title match, kinilalang hari ng Featherweight Division sa mundo si Pacquiao.

Hindi isang pipitsugin ang pinatulog ni Pacquiao. Si Barrera na tinaguriang "Baby-Faced Assasin" ay isang beterano. Hawak niya ang 47-4-1 record na may 40 KOs. Si Pacquiao ay may record na 37-2 at 29 KOs. Underdog si Pacquiao at dehado sa pustahan.

Lahat ng Pinoy ay nakatutok sa kani-kanilang TV sets upang mapanood ang laban. Halos lahat ay nasa loob ng bahay kaya walang trapik. Maski si President Arroyo at ilang matataas na opisyal ng pamahalaan ay hindi pinalampas ang laban na muling nagpakilala sa mundo ng kagalingan at kadakilaan ng isang Pilipino.

Ang tagumpay ni Manny Pacquiao ay nagpapatunay lamang na hindi pahuhuli ang Pinoy sa sports. Hindi lamang sa boxing kundi pati sa billiards, bowling at chess.

Sana naman ay hindi papuri sa pananalita at pakitang-taong parangal lamang ang ipapasalubong ng pamahalaan sa pagwawagi ni Pacquiao. Kailangan ang pinansyal na tulong at suporta ng gobyerno sa mga katulad ni Pacquiao upang sa ganoon ay mapanatili o mahigitan pa ang pag-ani ng tagumpay para sa bansa.

vuukle comment

BABY-FACED ASSASIN

FEATHERWEIGHT DIVISION

HAWAK

MARCO ANTONIO BARRERA

PACQUIAO

PINOY

PRESIDENT ARROYO

SI BARRERA

SI PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with