Nag-anibersaryo ang aming parokya;
Mga mamamayang laging nagsisimba
Daming pagbabagoy kanilang nakita!
Mapagmamasdan ang aming simbahan -
Maikukumpara sa ibang katedral;
Nagsimula kaming luhod sa damuhan
Ngayoy kongkreto na aming dalanginan!
Maunlad na ngayon ang aming parokya
Kaya kilala rin sa buong probinsya;
Nadestino ritoy paring iba-iba
Kaya ang simbahay lumaki pagdaka!
Unang pari namiy isang misyonero
Kaya nasimulan ang haliging bato;
Sumunod sa kanyay ang nagbubong rito
Monsignor na ngayon pagkat makatao!
Sumunod sa kanyay dalawang masipag:
Ang unay magaling at saka matapat;
Bata at matanday kanyang nililingap
Si Father Edison na mahal ng lahat!
Kanyang karelyeboy isang bagong pari
Na sa atin noon ay syang kumandili;
Siyay medyo "aloof" pero nagpursige
Simbahay gumanda sa bagong kisame!
Nang si Father Marvi sa amiy dumating
Ang tinerget niyay ang aming damdamin
Lahat ng samahan pinakilos mandin
Kaya ang simbahay lalo pang nagningning!
Mga Adorador, ang PPC at CWL,
Knights of Columbus, Mother Buttlers,
Ang Apostolada, BLD at iba pang giliw
Sa mga gawaiy kasama ni Father!