^

PSN Opinyon

Sa aming parokya

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Sampaguita Village, San Pedro, Laguna
Nag-anibersaryo ang aming parokya;
Mga mamamayang laging nagsisimba
Daming pagbabago’y kanilang nakita!
Mapagmamasdan ang aming simbahan -—
Maikukumpara sa ibang katedral;
Nagsimula kaming luhod sa damuhan
Ngayo’y kongkreto na aming dalanginan!
Maunlad na ngayon ang aming parokya
Kaya kilala rin sa buong probins’ya;
Nadestino rito’y paring iba-iba
Kaya ang simbaha’y lumaki pagdaka!
Unang pari nami’y isang misyonero
Kaya nasimulan ang haliging bato;
Sumunod sa kanya’y ang nagbubong rito
Monsignor na ngayon pagka’t makatao!
Sumunod sa kanya’y dalawang masipag:
Ang una’y magaling at saka matapat;
Bata at matanda’y kanyang nililingap
Si Father Edison na mahal ng lahat!
Kanyang karelyebo’y isang bagong pari
Na sa atin noon ay s’yang kumandili;
Siya’y medyo "aloof" pero nagpursige
Simbaha’y gumanda sa bagong kisame!
Nang si Father Marvi sa ami’y dumating
Ang tinerget niya’y ang aming damdamin…
Lahat ng samahan pinakilos mandin
Kaya ang simbaha’y lalo pang nagningning!
Mga Adorador, ang PPC at CWL,
Knights of Columbus, Mother Buttlers,
Ang Apostolada, BLD at iba pang giliw
Sa mga gawai’y kasama ni Father!

vuukle comment

ANG APOSTOLADA

FATHER MARVI

KAYA

KNIGHTS OF COLUMBUS

MGA ADORADOR

MOTHER BUTTLERS

SAMPAGUITA VILLAGE

SAN PEDRO

SI FATHER EDISON

SUMUNOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with