^

PSN Opinyon

KRISIS na OPORTUNIDAD (Gising gobyerno!)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
"ANG sawa kapag busog ay laging tulog!" Walang anu-mang ingay at pambubulabog ang makakagising sa sawang busog.

Ito ang aking simpleng paghahalintulad sa mga kinauukulan partikular na ang ating pamahalaan.

Ang tinutukoy ko rito ay ang pangamba ng Philippine Nurses Association (PNA) sa posibleng krisis sa kakulangan ng magagaling na health care workers pagdating ng 2006.

Sa halip na solusyon ang atupagin sa napipintong krisis, NGAWA at PAGDADAHILAN ang kasagutan ng mga kinauukulan. "Dini-dedma" ng mga hunghang ang hubad na katotohanan.

Batu-bato sa langit ang tatamaan ay dapat mapuruhan. Kinakailangan bang tamaan muna tayo ng matinding dagok (krisis) na ngayon pa lang ay sinisigaw na ng PNA?

Marami pang mga nurses at doctor ang mag-aalisan dahil sa tumataas ang pangangailangan ng mga professional na ‘to sa ibang bansa. Habang ‘yung mga estudyante natin sa mga nursing school ay pursigido nang "magsipaglayasan" pagkatapos ng kanilang pag-aaral.

Hanggat hindi ‘to binibigyan ng seryusong atensiyon, ngayon pa lang masasabi kong KRISIS na OPORTUNIDAD ito! Subalit ang KAAWA-AWA ay ang ating bansa. Gising gobyerno!

Ang "KASAGUTAN" sa problemang ‘to, ay mababasa sa ipinadalang e-mail na ‘to.
* * *
Dear Ben Tulfo,

Isa ako sa mga palaging nagbabasa ng iyong kolum sa
PSN. Sang-ayon ako sa mga sinasabi mo tungkol sa kakulangan ng ating bansa ng magagaling na health workers dahil na rin sa kapabayaan ng gobyerno.

Nandito ako ngayon sa New Zealand at nakikita ko ang mga sinasabi mong pag-aalisan ng mga nurses at doktor natin para magtrabaho sa ibang bansa.

Dito sa New Zealand, halos linggu-linggo may dumarating na mga bagong nurse galing Pilipinas kasama ang kanilang pamilya. Napaganda ng offer sa kanila. Mataas na sahod, permanent residency status (after lang ng ilang buwan na stay dito).

Mga anak nila libre sa doktor, gamot at hospital kapag may sakit. Libre rin ang mga anak sa pag-aaral hanggang high school. Mura ang upa ng bahay. May mga training sa spouse (asawa) tulad ng computer training, accounting at iba pa na maaring makadagdag sa kaalaman at maaring magamit pag naghanap ng trabaho.

Nakakapanghinayang na ang mga kababayan natin ay nag-aalisan sa ating bansa. Sa ibang bansa kumikita at namumuhay sila ng mariwasa. Samantalang puwede naman itong bigyan ng ating pamahalaan kung talagang pagtutuunan lang nila ng pansin,

Sana huwag mong tigilan sa iyong kolum ang mga bagay na katulad nito. Umaasa ako na isang araw mabibigyan ito ng ating pamahalaan ng pansin sa halip na PAMUMULITIKA at PANGUNGURAKOT na siyang umiiral ngayon.

Mananawagan na rin ako sa ibang tulad mong manunulat na bigyan din nila ng puwang sa kanilang kolum ang mga issue na katulad nito.

Maraming salamat sa pagbabasa mo sa e-mail kong ito.

Gumagalang,

Eddie Bacarra

ATING

BANSA

BATU

DEAR BEN TULFO

DINI

EDDIE BACARRA

NEW ZEALAND

PHILIPPINE NURSES ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with